StarStruck 2 Avenger Kevin Santos takes 2nd crack at show business


StarStruck 2 Avenger Kevin Santos's showbiz career is now on an upswing with two projects coming his way, My Only Love and Kamandag.



Among the first to be eliminated si Kevin Santos sa second edition ng StarStruck na pinagwagian noon nina Mike Tan at Ryza Cenon. Halos totally nawala na sa eksena si Kevin sa pagdaraos ng dalawa pang StarStruck editions kung kaya't nagpatuloy na lang siya ng kanyang pag-aaral.

Nang bumuo ang GMA Artist Center, together with Noel Ferrer, ng isang boy band, isa si Kevin sa mga nakapasa. Ito ay ang Studs kung saan kasama rin sina Mike, Dion Ignacio, Felix Roco, Lance OƱate, JC Cuadrado, and Edgar Allan Guzman. Later on ay nadagdag sa grupo si Coco Martin.

With the Studs calendar 2008 ng X-Ray magazine, naging high profile muli si Kevin with a new manager. Soon, pasok siya sa two upcoming shows of GMA-7.

Una na rito ang My Only Love, ang 5th Sine Novela ng GMA-7 na papalit sa Kung Mahawi Man ang Ulap when it ends this Friday. My Only Love stars Mark Herras, Rhian Ramos, Bianca King, and Alfred Vargas. Kevin will play a gay role na kaibigan ni Rhian.

Ang isa pa ay Kamandag, ang pinakabagong primetime soap ni Richard Gutierrez, where Kevin will play one of the bullies.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN