Aiko Melendez asks Martin Jickain to stay away from media


"Sana lang, Martin, alam kong masaya naman siya na makita niya siMarthena. Sana yung unang pagkikita nila could have been private nalang, di ba?" says Aiko Melendez to husband Martin Jickain.



Ibinuhos ng actress-politician na si Aiko Melendez ang kanyang sama ng loob sa hiniwalayang asawa na si Martin Jickain sa The Buzz kahapon, November 4.

Nakiusap si Aiko na once and for all sana ay maging fair sa kanya ang publiko. Sana raw ay pagpahingahin siya dahil for the past three months, siya ang laging laman ng diyaryo at TV. At hiniling din niya na sana ay lumabas na ang katotohanan.



Malaking pagkagulat kasi ang naramdaman ni Aiko nang salubungin ng mga nag-aabang na media ang pagtatagpo nila ni Martin sa unang private hearing last October 26 sa Quezon City Regional Trial Court.



"'Yun nga ang ikinasasama ko ng loob," hinaing ni Aiko. "Kasi ako, I've been compromising with the situation. Sana man lang ipinaalam man lang sa amin na may media coverage pala. Kasi always remember, Marthena [her daughter with Martin] is a minor. So, siyempre, dapat may consent ko man lang, di ba?"



Ayon kay Aiko, nagtawag raw kasi si Martin ng media upang i-cover ang lahat na dapat ay isang private proceeding.



"Sana lang next time, it won't happen again," pakiusap ng actress-politician. "Respeto lang sa akin, ipaalam naman sa akin. Parang medyo masama lang ang loob ko. It's supposed to be a family affair, it's supposed to be private, di ba?

"Sana lang, Martin, alam kong masaya naman siya na makita niya si Marthena. Sana yung unang pagkikita nila could have been private na lang, di ba?



"Ako nga, ginagawa ko ang best ko para to keep the things very private. Sana para wala nang usap-usapan para it will die a natural way. Huwag na tayong pamilya nang pamilya," mensahe ni Aiko kay Martin.



Hindi naman naitago ang ilangan ng dating mag-asawa sa muli nilang pagkikita pagkatapos ng ilang buwan.



"May tension kasi siguro ‘yon yung first time naming magkita after so long, so hindi ‘yon maiiwasan. Magkikita kayo and what a nice set-up sa court pa, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"We made a compromise that Martin can visit na or we will be bringing Marthena to their house with a companion, ‘tapos around the vicinity. Meron dung nakabantay lang, to monitor what's happening. ‘Tapos yung unang ano namin is three hours and it could be adjusted, ha. Sa akin, kapag okay na lahat, puwede ‘yan one whole day," paliwanag ni Aiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN