Commercial model-politician Alex Castro plunges into showbiz


Aside from being a commercial model and a young politician, Alex Castro can now add actor in his resume.



During the May elections this year, umikot sa mga gay Internet groups ang mga litrato ni Alex Castro, ang 21-year-old commercial model and former Sangguniang Kabataan (SK) president of Marilao, Bulacan, na kumakandidato naman noon bilang konsehal sa nasabing bayan ng Bulacan.

With his good looks and his outstanding record as SK President, he placed second sa winning councilor slots in Marilao. But this doesn't stop Alex from pursuing his other interest, which is being a commercial model.

Having started in the business at the age of 18, right now, nasa Christmas commercial siya ng Coke (the one with a lighted truck) at ang ABS-CBN non-artist commercial for Clear shampoo.

Hindi naman akalain ni Alex na makakapasok siya sa showbiz kung hindi lang mismong sina Roselle Monteverde-Teo at Manny Valera ang nagsabi sa kanya to try acting. Sina Roselle of Regal and Manny of DMV Entertainment ang magku-co-manage sa kanya and, for the record, he is the first star na ima-manage personally ni Roselle.

Na-meet namin si Alex sa pictorial ng Shake Rattle & Roll 9 last Sunday, November 4, sa Valencia compound ng Regal. Hindi siya kasali sa cast ng naturang horror movie ngunit ipina-pictorial na rin siya nina Roselle at Manny for publicity purposes.

Ipakikilala si Alex sa sequel ng Manay Po bilang second lover ni John Prats after Mike Tan.

Formal ang dating ni Alex compared sa mga kaedad niya, siguro dahil na rin sa pagiging politician niya. Hindi naman siya mahirap kausapin at sumasagot siya sa lahat ng tinatanong sa kanya kahit medyo risqué and intriguing.

Same high school sila ni Jewel Mische sa Jesus Is Lord Christian School sa Bulacan. But way ahead si Alex sa StarStruck 4 Ultimate Female Sweetheart at hindi sila nagpang-abot. Alex took his collegiate course sa Far Eastern University.

Ang una naming tinanong kay Alex ay kung aminado siyang part of his winning the councilor slot ay ang kanyang good looks and youth. While he thinks it's a factor, may record naman daw siya as a former SK president.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa bayan po namin, probinsiya pa rin ang dating. Ang mga bata, sinusunod ang mga tatay at lolo nila kung sino ang iboboto nila," sabi ni Alex.

"Nang SK po ako, nakagawa naman po ako ng magandang record, hindi lang sa kabataan pati na rin sa may edad. So, nakatulong na rin ito para maboto ako."

Hindi namin alam kung ano ang pananaw ni Alex sa kabaklaan, lalo na't gay-themed movie ang una niyang pelikula, kung kaya't tinanong din namin siya tungkol dito.

Payag ba siyang mag-briefs in one scene?

"Kung kailangan po siguro. Saka comedy naman po ang movie, so siguro hindi ito magiging sensual," sagot ng young politician.

Payag ba siyang makipag-kissing scene with John?

"Depende po yun kina Ms. Roselle and Direk [Manny]," sagot niya habang katabi namin si Roselle na tawa nang tawa.

Tinanong namin siya kung may nagparamdam na sa kanyang mga gays at inamin niyang meron na.

"Meron na pong nagparamdam, pero walang natuloy," sabi ni Alex.

Kinulit namin siya kung bakit.

"Hindi ko po alam," sagot niya. "Nagsabi sila na gusto nilang manligaw, pero hanggang doon na lang, hindi na sila bumabalik."

Pero this doesn't mean daw na open siya for a relationship. Hindi lang daw kasi siya nagdi-discriminate.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN