Beyonce Knowles's one-night concert a big success

International artist Beyonce Knowles did not disappoint her Filipino fans. She delivered a flawless concert performance last night, November 7, at the Bonifacio Open Field in Taguig City.



Isang malaking tagumpay ang naging concert ng international singer-actress na si Beyonce Knowles kagabi, November 7, sa Bonifacio Open Field, Taguig City. Ang concert ay bahagi ng kanyang world tour billed as The Beyonce Experience.

Hindi nabigo ang halos 70,000 na fans na nanood.

TIGHT SECURITY. Maaga pa lang ay nagsimula na ang paghahanda para sa concert. Upang pangalagaan ang seguridad ng mga manonood, nag-deploy ng mga 150 Taguig police, 350 security personnel, at 250 bodyguards. May nakita pa kaming mga PSG (Presidential Security Group) na rumuronda noong hapong ‘yon.

"Umabot ng tatlong linggo para ma-design namin ang security plan. Kahapon [November 6], nakipag-meeting kami sa security ni Ms. Beyonce at natuwa naman sila sa aming nai-present. Bago makapasok, dadaan muna sa tatlong layers of security ang isang tao. Tatlong checkpoint yan," lahad ni P/Supt. Alfred Corpus, Chief of Police ng Taguig City sa GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal).

STARRY, STARRY NIGHT. Isa-isang nagsidatingan ang mga bituin nang gabing ‘yon para panoorin ang "bootylicious star."

Namataan namin na pumasok sa VIP area si KC Concepcion, kasama si Lino Cayetano; sina John Estrada at Priscilla Meirelles; sina Julius at Tin-tin Babao; at sina Jessica Rodriguez and husband David Buenavacz. Naroon din ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres, kasama ang kanilang anak na si Julianna.

Naroon din ang magkapatid na Ruffa at Raymond Gutierrez, pati na rin sina Rufa Mae Quinto, Erick Santos, Nadia Montenegro, Vina Morales, at Kyla.

Dumating din sina Charlene Gonzalez, Bing Loyzaga, Dina Bonnevie, Liezel Martinez, Sunshine Cruz, Phoemela Baranda, Iza Calzado, Butch Francisco, Bearwin Meily, Sarah Geronimo, at Mocha.

Kasama namang dumating ni Gretchen Barretto ang lifetime partner na si Tonyboy Cojuanco. Si Karylle ay dumating na hindi kasama ang kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes.

"Ako lang kasi ang favorite singer niya [Dingdong], e, kaya ayaw niyang manood ng concert ni Beyonce," pagbibiro ni Karylle nang tanungin namin kung bakit hindi niya kasama ang boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GLITTERY ENTRANCE. Ganap 8:30 ng gabi nang lumabas si Beyonce sa entablado. Nakabibingi ang sigawan ng mga tao nang bigkasin niya ang mga katagang, "Are you ready to be entertained?"at nagtuloy sa kanyang opening number, "Crazy in Love."

Suot ni Beyonce ang silver gown na suot niya sa mga promotional ads ng kanyang world concert tour.

Kinanta rin ng international star ang kanyang solo hits at ilang pinasikat ng kanyang dating grupo na Destiny's Child, tulad ng "Happy Birthday," "Naughty Girl," "Survivor," "Independent Woman," "Déjà vu," "Beautiful Liar," at "Bootylicious."

Nakikanta naman ang mga fans nang ibirit ni Beyonce ang "Listen" mula sa blockbuster movie musical na Dreamgirls.

Tumagal ang concert ng halos dalawang oras.

Tila bitin pa ang mga tao nang kantahin ng international superstar ang kanyang last song na "Irreplaceable."



Nagkaroon din daw ng isang post-concert party, pero marami ang nag-abang kung darating ang star ng concert. Maaga pa lang kasi ay maugong na ang balita na hindi raw sisipot si Beyonce dahil hindi raw siya pinayagan ng kanyang ama, na manager din niya.

May ilang insider din ang nagkuwento ng isang unconfirmed information na in-offer daw si Beyonce ng $1 million para magpunta lang sa nasabing party.

Bukas, November 9, ang alis ni Beyonce para ituloy ang kanyang world concert tour sa Seoul, Korea at Taipei, Taiwan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN