Baywalk Bodies member Palmolive Palma sorry about sex video with Will Devaughn

"Pinagsisisihan ko talaga ito. Hindi ko ito ginusto. Three years na angBaywalk. Kahit paano may pangalan na rin naman kami, pero ayokongsumikat dahil sa isyung ito," says Baywalk Bodies member Palmolive Palma about her sex video with model Will Devaughn.



Pinatotohanan ng Baywalk Bodies member na si Palmolive Palma ang existence ng cell phone sex video nila ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 housemate na si Will Devaughn. Pero ayon sa sexy star ay pinagsisisihan niya ito.

Nagkaroon ng pangalawang presscon ang latest album ng Baywalk Bodies, ang The Very Best of Baywalk Bodies, kaninang tanghali, November 8, sa isang bagong bukas na bar sa Timog Ave., Quezon City. Kasama na ng mga bagong members ang apat na original members ng grupo na sina Palmolive, Clarisse Mercado, Jeanette Joaquin, at Michaela Espinosa. Sa first presscon kasi ay wala pa ang original members sa Pilipinas na nasa Australia noon for a four-week show with comedian Chokoleit.

From blind items na napakahirap hulaan (member ng isang sexy group at isang baguhang commercial male model), later on ay pinangalanan sina Palmolive at Will na siyang nasa sex video. Nang pumutok ang balita ay pumasok ang model sa Bahay ni Kuya at wala naman sa Pilipinas si Palmolive kaya walang makapag-confirm nito o makapag-deny sa magkabilang panig.

Dahil na rin sa bilis ng balita ngayon through the Internet, particularly sa PEP (Philippine Entertainment Portal), nalaman ito agad ni Palmolive. Ang una niyang ginawa ay tumawag siya sa kanyang manager na si Lito de Guzman para itanong kung sino ang may kagagawan nito.

PALMOLIVE EXPLAINS. Sa general question-and-answer portion ng presscon, naiyak si Palmolive sa pag-explain na nahiya siya at baka isipin niya na ginagamit niya si Will dahil kahit nga siya, wala sa Pilipinas nang kumalat ang issue tungkol sa sex video.

"Totoo pong may sex video kami ni Will. Pero matagal na po ‘yon nangyari. Wala po kaming relasyon, pero napagkasunduan po naming i-video ‘yon na para sa amin lang. Nag-promise pa po kami sa isa't isa na dapat ay hindi namin ipakita ‘yon sa iba," kuwento ni Palmolive habang nangingilid na ang luha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi ko po alam kung saan nanggaling ang sex video na ‘yan. Totoo pong kinunan naming pareho ni Will ang nangyari sa amin. Gusto ko nga po siyang makausap regarding this, kaya lang ay nasa Bahay Ni Kuya pa siya kaya napakaimposibleng magkausap kami. Baka po kasi may nakialam ng cell phone niya kaya kumalat ‘yon.



"Nasa Australia pa ako nang tumawag ang fiancée ko regarding this sex video nga po. And wala akong alam tungkol doon. Na-shock talaga ako kung bakit kumalat ‘yon. Malaking katanungan sa akin kung paano lumabas. For sure, hindi rin alam ‘yon ni Will dahil nasa loob nga siya ng PBB," mahabang kuwento ni Palmolive.



Paliwanag pa ni Palmolive, nawala raw more than three months ago ang cell phone niya nang nag-away sila ng co-Baywalk Bodies member niya na si Jeanette. Binato ni Jeanette ang cell phone ni Palmolive mula sa third floor unit at nag-landing ito sa isang bakante pero nababakurang lugar sa tabi ng condominium.

Pinatotohanan naman ito ni Jeanette. Hindi nila alam kung paano kumalat ang video at sa isip ni Palmolive, baka naman daw si Will ang nagpakita nito sa ibang kaibigan niya.



Sinabi pa ni Palmolive na mas mahabang version ang nai-tape ni Will kumpara ng nasa kanya, subalit hindi pa niya nakikita kung anong version ang kumakalat sa ngayon.



"Sakaling idenay ni Will na wala siyang kinalaman doon, bahala siya. Kasi ako rin, hindi ko rin alam kung saan nanggaling ang sex video na ‘yon," giit ni Palmolive.

ONE-ON-ONE. Nagkaroon ng one-on-one ang PEP at si Palmolive pagkatapos ng presscon dahil marami kaming hindi maintindihan sa unang kuwento niya. Sa pagkakaalam kasi namin, bago pa man ang sinasabing batuhan ng cell phone, which was three months ago nga raw, kumalat na ang video kung saan makikita ang mukha ng dalawa at pati ang kaselanan ni Will while Palmolive was going down on him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinag-explain muna namin si Palmolive kung paano sila nagkilala ni Will.

"That was one year ago pa po, sa Makati. Model pa lang siya," pasimula ni Palmolive. "No, hindi kami naging mag-on, we're just friends. Nagkataon lang na something happened dahil pareho kaming nakainom noon."

Dalawa pala ang kopya ng naturang sex video, isa kay Will dahil ito ang ginamit nila at isa kay Palmolive nang ipinasa ni Will sa kanyang cell phone ang kopya.

Nang una raw kumalat ang blind item, pinagtalunan nila ito ni Will over the phone at ito rin ang huli nilang pag-uusap. Wala kasing gustong umamin sa dalawa kung saan nanggaling ang unang kopyang kumalat.

"May pinagpakitaan akong friend kong press nung kopya, pero I swear hindi niya ito kinopya," diin ni Palmolive.

Sinabi namin kay Palmolive na sa isang miyembro rin ng press namin nakita ang video at hindi sa sinasabi niyang kaibigang press. Hindi ito alam ni Palmolive at hindi na lang siya nagtanong.

"Hindi ko naman siguro ito ikakalat personally," sabi niya. "Ang dami nang negative na balita sa grupo namin, pero never akong gumawa ng publicity for me.

Ayon kay Palmolive, sobra siyang naapektuhan ng naturang usapin, gayundin ang kanyang pamilya. Nagkahiwalay na rin daw sila ng kanyang fiancée for three years na isang Hapon dahil sa sex video scandal at nagkasamaan sila ng loob ng kanyang ina.

"Dahil sa balita, my mom became upset," sabi niya. "Hindi pa kami nag-uuusap since then. Ang boyfriend ko ng three years, nang nabalitaan niya ito, nakipag-split sa akin.

"Pinagsisisihan ko talaga ito. Hindi ko ito ginusto. Three years na ang Baywalk. Kahit paano may pangalan na rin naman kami, pero ayokong sumikat dahil sa isyung ito."

Huling tanong naming kung ano ang natutunan niya sa pangyayaring ito.

"No more video. Lalo na kapag nasa showbiz ka," sagot ni Palmolive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN