Actor-director Joel Torre has big plans for indie filmmaking

"Kahit na very stressful, nag-enjoy naman ako sa pagdidirek. The nexttime na magdidirek ako, gusto ko na I will do an original material naako ang sumulat ng script," says Joel Torre about taking the director's seat.



Hindi na mabilang ni Joel Torre kung ilang indie movies na ang kanyang nagawa, pero proud ang premyadong aktor na sabihing suki siya ng indie movies and indie directors.

"Basta maganda ang project, kahit na indie film, okay lang sa akin na tanggapin ang role," pahayag ni Joel sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nag-produce ng isang indie film si Joel titled Beerhouse, kasama ang ilan pang investors, kabilang ang aktor na si Ronnie Lazaro.

Bida ang dating Viva Hot Babe na si Gwen Garci sa Beerhouse, na tinatampukan din nina Jeffrey Quizon at Ryan Eigenmann at idinirek ng mahusay na indie director na si Jon Red.

"Sinubukan lang namin mag-produce kasi na-excite kami sa material," sabi ni Joel. "Gusto ko talaga pag-aralan ang pagpo-produce ng pelikula. 'Pag kumita ang unang venture namin as producers, plano ko na ako na rin ang magdidirek ng susunod na pelikulang ipo-produce namin."



Nakapagdirek na si Joel for television ng mga episodes ng Maalaala Mo Kaya and Star Drama Presents para sa ABS-CBN. Nagdirek na rin siya ng ibang telesine. Pero itinigil niya ito dahil para raw siyang na-burnout sa stress ng pagdidirek.

"Mahirap ang stress ng pagdidirek 'tapos the next day lalabas naman ako sa isang soap opera. Hindi ko ito nakayanan. Mahirap magdirek sa TV kasi long hours ang ginugugol sa taping, 'tapos kung minsan kailangan tapusin mo agad kasi may airing date na," kuwento ni Joel.

Dagdag niya, "Pero kahit na very stressful, nag-enjoy naman ako sa pagdidirek. The next time na magdidirek ako, gusto ko na I will do an original material na ako ang sumulat ng script. Kaya kong gumawa ng synopsis, pero magpapatulong ako sa paggawa ng dialogue kasi I am not that good in Tagalog."



Plano nga ni Joel na kung magki-click sa takilya ang Beerhouse, baka raw maisipan nila ng kanyang mga partners na isang Ilonggo film naman ang kanilang gawin, for a change.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ATAUL FOR RENT. Samantala, palabas na ngayon sa mga sinehan ang critically-acclaimed film na Ataul For Rent. Gumaganap dito si Joel bilang funeral parlor owner na nagpaparenta ng mga ataul sa kanyang mga kapitbahay sa lugar nila na kung tawagin ay Kalyehong Walang Lagusan.

"I still get challenged by the roles that I do onscreen, tulad ng papel na ginagampanan ko sa Ataul For Rent. Usually, ang mga roles ko sa TV, mababait na karakter pero dito, salbahe ako at lasenggo," pahayag ng actor-director.

Ano ang challenge doing a dark character, tulad ng role niya sa Ataul For Rent?

"Ang gusto ko rito ay ang buong pelikula. Walang bida, walang kontrabida. Lahat sila ay mga real characters na puwede mong makilala in real life. Walang mga acting highlights. The movie captures the characters as they are," sabi pa ni Joel, na mainstay sa Pangarap na Bituin aired on ABS-CBN.

May ginagawa ring soap opera si Joel for PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office) titled Diyos Ko, Mahal Mo Ba Sila. Kasali rin siya sa KKK: Krusada Kontra Kurapsiyon na idinidirek naman ni Carlo J. Caparas. Kasali rin si Joel sa cast ng Green Paradise, ang launching movie ni Cristine Reyes.

Twenty-five years na si Joel sa showbiz industry. Ipinakilala siya sa epic movie na Oro, Plata, Mata (1982). Dalawa na ang kanyang anak; sina Ariela, 16, and Marela, 12. Wala naman daw may hilig sa showbiz sa kanyang mga anak. Hindi naman daw kasi na-expose ang mga ito sa showbiz.

Bukod sa pagiging artista, may business din si Joel, ang JT's Manukan na ang specialty ay Bacolod Chicken Inasal. May branch ito na malapit sa ABS-CBN at yung isa naman ay nasa Gilmore St., San Juan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN