Carlos Morales leaves Nursing course in U.S. to try acting again

"Passion ko kasi talaga ‘yan, hindi mawawala ‘yan sa sistemako. Hinahanap talaga ng katawan ko at nami-miss ko ang showbiz," says Carlos Morales about acting.



Hinahanap-hanap ng katawan ni Carlos Morales ang mundo ng showbiz, kaya naman pansamantala muna siyang tumigil sa pag-aaral sa Tate ng kursong Nursing upang muling harapin ang pagiging aktor.

"Bale, I just got back here ‘tapos ay balik na naman doon sa U.S. para mag-aral ulit. Sa Sacramento College ako nag-aaral at isang sem na lang naman," panimulang kuwento ni Carlos sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Magpakailanman.

.

"Kaya Nursing ang kinuha kong course," patuloy niya, "kasi ngayon in demand ‘yan, e. At saka before, gusto ko talagang mag-Medicine, maging doktor. Pero dahil nga nag-showbiz na ako, parang yung time ko ay gahol na, parang I'm getting older na. So, ‘yon [Nursing] na lang ang pinursue ko."

ACTING IS PASSION. Nasa dugo na raw ni Carlos ang showbiz kaya hindi niya ito iiwan kahit magpahinto-hinto muna siya sa kanyang pag-aaral, depende raw sa mga offer na darating.

"The most that I've stayed there is seven months, minsan five months. Depende, e. Ngayon, halos one month pa lang ako rito and siguro around May next year ako babalik ulit sa States.

"Passion ko kasi talaga ‘yan [acting], hindi mawawala ‘yan sa sistema ko. Hinahanap talaga ng katawan ko at nami-miss ko ang showbiz, lalo na kapag nakikita ko sa TFC or yung sa channel ng GMA, mas nami-miss ko talaga ang pag-arte," lahad ng aktor.

Hindi ba siya na-disillusion o na-disappoint dahil naging matumal ang offers sa kanya kaya nagdesisyon siyang mag-aral sa Amerika?

"Hindi naman," sagot niya. "Actually, yun talaga ang direksiyon ko sa buhay. Kumbaga, naka-program na ‘yon dahil hindi naman panghabambuhay ang pag-aartista. Para at least may fallback ako.

"Although, medyo nagtataka lang ako na naging ganoon nga ang mga project. Naisip ko nga, hindi ka kasi puwedeng huminto doon, e. Hindi ba ang daming artistang sikat ‘tapos nagtataka sila kung bakit nagkaganoon? Pero ganyan talaga, wala kang magagawa dahil may mga panahon na ganyan sa isang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Perfect timing din ang nangyari para makapag-aral ako. Pang-fallback nga at para hindi ka ma-depress, you have to move on," paliwanag ni Carlos.

PINOY MEDICAL PRACTITIONERS. Ukol naman sa naging pang-iinsulto sa mga Pinoy medical practitioner sa Tate ng TV program na Desperate Housewives, inamin ng Nursing student na si Carlos na na-offend talaga sila sa pangyayari.

"Parang sinasabi nga na binibili lang daw yung diploma at kung ano ang uso, yun din ang pinupuntahan ng lahat o yun ang kinukuhang course," sabi niya.

"Siyempre nainsulto tayo at ang maraming kababayan natin doon [sa U.S.], pero hindi nila alam na maraming successful na Filipino doctors doon at mas maraming Pinoy doctors doon na successful talaga. Mali talaga ang show na ‘yon. Respetado ang mga Pinoy doctors doon and ang daming head nurses doon. So, bakit kukunin silang head nurses kung hindi sila marunong at angat sila sa kanilang fields, di ba?"



Sinabi rin ni Carlos na may business siyang piggery sa Zambales at pinaplano nilang magtayo ng small restaurant next year sa Amerika with his friends.

FUTURE PROJECTS. Ayon kay Carlos—na mas slim ngayon sa weight niyang 180 lbs. kumpara sa 210 lbs. noon—may hinihintay siyang TV project, subalit ayaw muna niya itong sabihin dahil baka raw maudlot. Pero okay sa kanyang gumawa ng indie films.

"May dalawang offers dati, e, kaya lang mas pinili kong bumalik sa States. Ngayon, gusto kong subukan, hindi pa kasi ako nakagawa ng ganoon. Gusto ko ngang makaganap na baliw or yung may dual personality, hindi ko pa kasi nagagampanan ‘yon. Kapag nagawa ko na, okay na ako bilang artista," lahad ni Carlos.

Okay lang ba siya sa gay roles?

"Oo, gusto ko rin ‘yon," sagot niya. "Challenging ‘yon at kapag na-portray ko nang maganda, okay, di ba? Kasi ako, parang ang tigas, e, parang mahirap palambutin o yung lalamya-lamya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, okay yung role na macho gay. Kapag nagkataon, talagang paghahandaan ko ‘yan, magre-research ako. Sa mga gym lang, maraming macho gays, e," sabi ni Carlos.

Kung may love scene at lips to lips pa, kaya ba niya? Hindi kaya pagdudahan ang gender niya dahil dito?

"Hindi naman ako maiilang na pagdudahan ang gender ko, kalokohan naman ‘yon, e," nakangiting saad niya. "Okay ‘yon sa akin na may kissing scene, basta matino ang project.

"Kasi ako, hindi ko naman iniisip na sideline ko lang ang showbiz. Sabi ko nga, passion ko talaga ito. Ngayon, iba na, e, hindi na yung pera-pera lang. Basta maganda ang project ay okay lang kahit maliit ang bayad. Ganoon siguro, lalo't matagal akong nawala sa showbiz," pahayag pa ng tisoy na aktor na nagsimulang mag-artista noong 1996 at nabigyan ng malaking break sa Laro Sa Baga (2000).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN