KC Concepcion on rumor about her and Richard Gutierrez: "It's simply not true."

"I'm shocked na may lumalabas palang tsismis na nanliligaw siya. It's not true din na we communicate a lot and go out on dates," clarifies KC Concepcion about rumors linking her to Richard Gutierrez.



Sorpresa ang pagdalo ng anak ni Sharon Cuneta na si KC Concepcion sa book launch ni Tintin Bersola-Babao last November 7 sa Activity Center ng Glorietta Mall sa Makati City.



Marami ang hindi nakakaalam na magkaibigan sina KC at Tintin. Nangako ang dalaga na dadalo siya sa launch ng libro ni Tintin, ang The Story of Christine, bago siya pumunta sa concert ni Beyonce Knowles kinagabihan.



"My mom kasi is the ninang of Tintin and Julius [Babao] sa kasal. Naging close ako sa family nila Tintin because of the family gatherings na dinadaluhan namin. And I promised her na darating ako," nakangiting sabi ni KC sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



Isa rin sa special guest ni Tintin ay si Maricel Laxa-Pangilinan na nag-promote din ng kanyang children's book na Super Benj, na tungkol naman sa anak nitong nagkaroon ng heart ailment kamakailan. Si Maricel ay hipag ng stepfather ni KC na si Kiko Pangilinan.



"Kaya nga I'm asking everyone to please get a copy of Tintin and Tita Maricel's children's book. It's good reading at very inspiring pareho," pagpu-promote pa ni KC.

RUMOR WITH RICHARD. Dahil nandoon na rin lang si KC, hindi na namin pinakawalan ang pagkakataon para tanungin siya tungkol sa kumakalat na balitang nililigawan siya ng young actor na si Richard Gutierrez. Inamin ni KC na magkaibigan sila ni Richard, pero wala raw ligawang nagaganap.



"Matagal ko nang kilala si Richard and he's a good friend," sabi ni KC. "I'm shocked na may lumalabas palang tsismis na nanliligaw siya. It's not true din na we communicate a lot and go out on dates. It's simply not true."

Kung sabagay ay nag-deny na rin si Richard sa naturang tsismis at nakiusap na huwag na lang daw isama ang pangalan ni KC sa mga itatanong sa kanya dahil nakakahiya raw sa pamilya ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila imposible ring may nangyayaring ligawan between KC and Richard dahil going strong pa rin ang relationship ng dalaga sa rumored boyfriend nitong si Lino Cayetano. Sa panig naman ni Richard ay balitang nag-split na sila ng kanyang longtime girlfriend na si Georgina Wilson dahil malayo sila sa isa't isa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN