Beatriz Saw remains positive as her showbiz career takes off

"Wala talaga sa bokabularyo ko yung ganyan, yung mag-isip ng negativesa kapwa ko, o makaramdaman ng anumang hindi maganda dahil nabibigyanang iba ng chance," replies Pinoy Big Brother Season 2 winner Beatriz Saw when asked about Wendy Valdez's big break.



First time naming na-interview si Beatriz Saw, at malaking bagay yung positibo agad ang dating ng personalidad niya, kaya marahil naging grand winner siya ng Pinoy Big Brother (PBB) Season 2. Bukod dito, halatang may laman ang kukote niya batay sa pakikipag-usap niya sa maraming reporters, aside from the fact na isa siyang Atenista.



Artista na rin si Bea. Bukod sa paghu-host niya ng current PBB Celebrity Editon 2—na talagang malaking bagay bilang bahagi ng pagwawagi niya sa nabanggit na reality TV competition—mapapanood siya bilang best friend ni John Lloyd Cruz na makikisimpatiya sa love interest nitong si Bea Alonzo sa One More Chance ng Star Cinema Productions.



NO NEW BF. Napag-usapan din namin ang tungkol sa kanyang ex-boyfriend, na during that time sa PBB ay na-expose din dahil sa kanya. Ngayong wala na sila, ayon kay Bea, wala pa siyang nakikitang kapalit nito.



"Paano ako magkakaroon ng bagong boyfriend? Masyado na akong abala, and I don't even go out at night. Usually, magkaka-boyfriend ka lang kung nae-expose kang ganyan at may social life ka," paliwanag ni Bea.



Usually, gising na si Bea ng 6 a.m. halos every day dahil nagte-taping siya ng PBB twice a day.



"I live with my relatives in U.P. Village," sabi niya. "Ayoko munang bumukod at mamuhay nang nag-iisa. It's much safer,kapag ganyang may kasama ka palagi sa house."



FORMER PBB HOUSEMATES. Naka-close niya sa loob ng Bahay ni Kuya ang fellow housemates niya roon na sina Kian Kazemi at Nel Rapiz. "Nang ma-evict si Kian, naka-close ko si Bruce Quebral, then si Mickey Perz noong last stretch na," dagdag niya.



"Hindi ako na-involve deeper personally sa sinuman sa kanila, kasi sa umpisa pa lang, parang taken na silang lahat. Kanya-kanyang pairing na, and I was left alone," pahayag pa ni Bea.



Happy si Bea sa na-assign na hosting job sa kanya sa PBB. Halatang ipinaglaban din siya ni Direk Lauren Dyogi, and besides, siya ang kauna-unahang grand winner ng PBB, who eventually became a host of the said reality TV program.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WENDY VALDEZ.
Naitanong din sa kanya kung hindi ba siya nainggit kay Wendy Valdez, na hindi man naging grand winner, ito ang unang nabigyan ng malaking break by starring in a teleserye, Margarita?



"Wala talaga sa bokabularyo ko yung ganyan, yung mag-isip ng negative sa kapwa ko, o makaramdaman ng anumang hindi maganda dahil nabibigyan ang iba ng chance," sabi ni Bea.



Ayon pa sa kanya, masaya talaga siya sa nangyari kay Wendy. Kahit nga mukhang wala na ring follow-up dahil, obviously, hindi nag-click ang Margarita, ang iniisip lang din kasi ni Bea ay ang pagpapasulong sa sariling career.



"May kanya-kanya naman kaming buhay. Kung nasaan man siya, by this time... Ang feeling ko, nasa bahay na nila si Wendy dahil gabi na, 'no!" biro niya.



"Kung kaninong bahay? 'Yan ang hindi ko na alam. Sa kanila naman siguro," natatawang sabi ni Bea.



Para kay Bea, iba ang destiny niya kung ikukumpara sa iba.



"Bahala na si Lord sa amin," sabi ni Bea. "Kagustuhan ni Lord na ito ang mapunta sa akin, at iba rin para kay Wendy. Kaya hindi pumapasok sa utak ko na kung ano ang naibigay kay Wendy, dapat na mayroon din akong ganoon. Hindi ako ganoon mag-isip.



"Iba-iba ang paths na tinatahak namin. Nagkataon na sa path na 'yon talaga dapat na mapunta si Wendy, at ito naman ang para sa akin," naidugtong pa ng baguhang showbiz personality.



Pero napaplastikan ba talaga siya kay Wendy, gaya sa idinidikdik dito ni Uma Khouny?



"Mahirap mag-comment, kasi sa Bahay ni Kuya ko lang nakilala si Wendy. Hindi ko siya kilala before PBB, kaya paano ko maiko-compare na iba ang ipinakita niya sa amin? Wala akong basehan para sabihin kung plastik ba o hindi si Wendy.



"Sa PBB, nagkakasundo kami ni Wendy. I never had a problem with her. Kaya mahirap mag-comment sa point na sinasabi ng iba na plastik siya. Hindi ko talaga alam," nangingiting sabi ni Beatriz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN