PEP EXCLUSIVE: Tanya Garcia and Mark Lapid back in the country with their daughter

Young actress Tanya Garcia and boyfriend Mark Lapid pose for this photo taken at Tanya's baby shower a few days after they left for Las Vegas. The couple recently became parents with the arrival of their daughter, Mischa Amidala.



Last October 30, Tuesday, ay dumating sa Pilipinas mula sa ilang buwang pagtira sa U.S. at pagkatapos manganak sa Las Vegas, Nevada, ang young actress na si Tanya Garcia. Kasama niya ang boyfriend na si Mark Lapid at ang baby nilang si Mischa Amidala, na isinilang noong September 16.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Tanya ay nagpahayag siya na marami pa raw siyang inaasikaso simula nang dumating sila sa Pilipinas. Isa na rito ang condo unit na tinitirhan nila sa Shaw Blvd., Mandaluyong City.

Aniya, "Hindi pa kasi tapos yung unit na lilipatan namin dahil marami pang dapat gawin. Nagkaroon kasi ng problema sa unang gumawa, kaya hanggang ngayon, hindi pa siya tapos. Siyempre, gusto ko na rin matapos para ma-settle na rin pati yung baby at yung mga gamit. Sa ngayon, dito muna kami sa unit ng Mommy ko naman nag-i-stay habang hindi pa tapos."



Nangako si Tanya sa PEP na ipapakita rin niya ang anak at haharapin na rin ang mga katanungang matagal nang naghihintay ng kasagutan simula noong mabuntis siya.

Kapag naayos na raw niya ang lahat ng dapat ayusin, plano rin nila ni Mark na mapabinyagan muli si Mischa sa bansa. This time, it's more of a celebration na lang daw since napabinyagan na nila ang kanilang anak sa Las Vegas ilang araw pagkatapos siyang maipanganak.



HANDS-ON PARENTS.
Sa pagkukuwento ni Tanya tungkol sa kanyang baby ay lumilitaw ang pagiging proud mommy niya, lalo pa nga raw sa bukod sa maganda at healthy ay mabait ang kanilang sanggol.



"Hindi kasi siya perhuwisyo. Hindi ba yung ibang baby, basically, iyak sila nang iyak? Si Mischa, hindi siya yung iyakin. Kahit magdamag. Iiyak lang ‘yan kapag alam niyang wala nang kumakausap sa kanya," kuwento ni Tanya.



Definitely, she's a very hands-on mom to her firstborn.



"Sobra! Ako talaga yung nag-aalaga sa kanya. Although siyempre, noong umuwi na kami rito [sa Pilipinas], may yaya na. Pero ako talaga yung nakabantay at nag-aalaga. Saka sobrang parang ang hirap maiwan, hindi ko siya magawang iwan. Kung may kailangan akong lakarin or puntahan, kasama ko pa rin siya," natatatawa niyang lahad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ayon pa kay Tanya, kung siya raw ay hands-on mom, mas kapansin-pansin daw ang pagiging hands-on daddy naman ni Mark sa kanilang anak.



Samantala, katulad pa rin ng una niyang plano nang malamang nagdadalang-tao, once na makapanganak ay gusto pa rin ni Tanya na ipagpatuloy ang kanyang showbiz career. Pero siguro raw ay early next year na ang talagang pagka-comeback niya as long as may opportunity na dumating. Sa ngayon daw kasi ay gusto niyang alagaan muna si Mischa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN