Sheryl Cruz talks about TV projects, mom, and idea of working with Romnick

Sheryl Cruz still feels uncomfortable whenever reporters ask her about the tiffshe reportedly had with the Cruz clan, when her dad Ricky Belmonte died in 2001. She speaks more freely about her mom Rosemarie Sonora and about her freelance work.


Isa si Sheryl Cruz sa mga artistang nakapag-cross-over from one network to another. Dalawang shows ang ginagawa niya ngayon sa ABS-CBN, ang Lovespell Presents Cindy-ella at ang bagong primetime pantaserye na Princess Sarah.

"Freelance naman ako, e. Kung saan may trabaho, professionals naman tayong lahat. I have to thank Kapuso as well as Kapamilya kasi nga, kahit papano they think of me. Di ba mas maganda 'yon?" ang bungad ni Sheryl.

Dagdag pa niya, "Ako kasi, hindi ako kasama kung anuman ang network wars na sinasabi ng mga tao. Basta ako kung saan ako nagsimula ng mga proyekto, marunong din akong tumanaw ng loob dito. Kasi nga hindi lang sa iisang istasyon ako nagtrabaho. Umikot din naman ako. Nung dalaga pa ako, halos lahat ng channels na ito ay naikot ko," lahad ni Sheryl.

Despite her busy schedule, nakagawa pa rin siya ng paraan na makaalis ng bansa.

"Actually, I did, but I don't have to tell the press pa about it. I was just there with my daughter [Ashley] to be part of my sister-in-law's wedding sa Hawaii."

Tahimik naman na dumating sa bansa ang kanyang ina, si Rosemarie Sonora, isang dating sikat na artista ng Sampaguita Stars '66.

"She was here probably two months ago. She stayed for almost two months dahil nga hinatid niya dito ang anak ko. Hindi maihatid ng asawa ko. Kumbaga, it's not an obligation anymore, but as the lola, dahil hindi makapunta dito ang asawa ko after ng two months vacation ni Ashley sa States...so sabi ko, 'Mama, pakihatid naman para rin makilala ang other apo mo, which she did," ang kuwento pa ni Sheryl.

May plano ba na bumalik sa showbiz ang mommy niya?

"Actually, nung malaman nila na nandito siya, they were cooking up something. Kaya nga lang syempre, sabi ng mama ko, kung talagang interesado sila, tawagan lang siya. Kung meron talagang proyekto na talaga, saka siya hikayatin na bumalik dito. Syempre nga naman, once na artista ka, nananalaytay 'yan sa dugo mo kahit na gaano katagal nawala."


Kumusta na ang relationship niya sa mga relatives sa side ng kanyang daddy Ricky Belmonte, which is the Cruz clan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo sa akin na lang, it's really ano...how do I say this? Actually, I'd rather not talk about them. Hindi naman sila kasama sa proyektong Princess Sarah, e. It's gonna be quite disrespectful. So, I just wouldn't like to answer regarding any personal questions," ang mabilis niyang sagot.



May balita na ipapasok ang dati niyang real-and-reel love team na si Romnick Sarmenta sa Lovespell. Aware ba siya sa balitang ito?

"Alam mo, hindi ko pa alam. Probably naman sasabihin din nila sa akin dahil wala naman kaming isyu ni Nicko, e. Magkaibigan kami, nagmahalan din naman kami. Makakatrabaho ko yung tao na kasama ako...huwag na nating intrigahin. Pero okay lang na makatrabaho ko siya ulit. Bakit naman hindi?

"Puwera na lang kung gustong gawan ng usapan ng ibang tao diyan, like yung makikitid ang utak. Yung sa amin bilang artista, masarap may trabaho ka, lalo na kapag magpa-Pasko," nakangiting pagtatapos ni Sheryl.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN