Rochelle Pangilinan's father passes away

SexBomb member Rochelle Pangilinan lost her father, Mr. Rodolfo Pangilinan, yesterday (November 11) due to complications from emphysema. Rochelle was taping Daisy Siete in Pampanga when she learned about her father's death.



Nakakalungkot naman ang mga biglaang pangyayari sa SexBomb leader na si Rochelle Pangilinan.

Noong nakaraang Biyernes, November 9, lang ay masayang-masaya si Rochelle dahil muli na namang magbubukas ang bagong season ng Daisy Siete na "Ulingling." This time ay kasama niya bilang bida sina Sunshine Garcia at Mia Pangyarihan sa mala-Dreamgirls na istorya.



Nakikipagbiruan pa nga si Rochelle sa entertainment press dahil pinipilit sila ni Kier Legaspi na umamin na naging sila. Panay ang tawa ni Rochelle habang ikinukuwento na totoo raw na nanligaw sa kanya si Kier, pero bigla raw itong tumigil sa hindi niya malamang dahilan.

Inamin naman ni Kier na may nararamdaman siya for Rochelle noong una silang magkasama sa Daisy Siete. Baka raw this time ay maging seryoso na siya kay Rochelle.



Kahapon ng madaling-araw, November 11, pumanaw ang ama ni Rochelle na si Mr. Rodolfo Pangilinan. Matagal na palang may sakit na emphysema ang ama ng dancer at dalawang buwan na itong naka-confine sa Intensive Care Unit (ICU) ng Philippine Lung Center. Hindi nga lang bakas sa mukha ni Rochelle na namumroblema siya sa kanyang ama dahil tuluy-tuloy ang pagtatrabaho niya.



Ayon sa manager ng SexBomb na si Joy Cancio ay nasa taping si Rochelle ng Daisy Siete sa Pampanga nang mabalitaan niyang pumanaw na ang ama niya. Pero tuloy pa rin daw ang trabaho ni Rochelle at sa cell phone na lang daw siya nakikibalita at nakikipag-coordinate sa kanyang pamilya.



Ramdam ng buong cast and crew ng Focus E ang lungkot ni Rochelle, pero tuluy-tuloy daw nag-taping ito hanggang matapos. After ng taping ay dumiretso agad si Rochelle sa bahay nila sa Malabon dahil doon nga ibuburol ang kanyang ama.



Early this year, ang SexBomb member na si Jopay Paguia ang namatayan ng ama na matagal na ring maysakit. Nasa taping din noon si Jopay nang malaman niyang namaalam na ang kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Taus-puso ang pakikiramay ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pamilya ni Rochelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN