F4 member Ken Zhu will return to RP to promote "Batanes"

F4 member Ken Zhu has just finished shooting a Filipino indie movie, titled Batanes: Sa Dulo ng Walang Hanggan. The Taiwanese singer-actor is scheduled to return to the Philippines for the promotion of the film.



Sa mga na-disappoint na fans ni Ken Zhu dahil hindi nila nakita ang F4 member, na dalawang beses bumalik ng bansa para sa shooting ng Batanes: Sa Dulo ng Walang Hanggan, tiyak na matutuwa sila dahil sa pagbabalik niya ay makikita na siya nang personal at mapapanood pa sa TV. Si Iza Calzado ang leading lady ni Ken sa pelikula na idinirek ni Adolf Alix.

Ibinalita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng mga involved sa pelikula na babalik sa December 1 si Ken para tumulong sa promotion ng Batanes at one week siyang titigil rito.

Sa December 2 ay guest si Ken sa SOP at sa Showbiz Central para ikuwento ang experience niya working with Filipino actors and shooting in Batanes. Gandang-ganda ang Taiwanese singer-actor sa nabanggit na lugar at balak niyang bumili ng property para may rason siyang magpabalik-balik doon.



Sa December 3 naman ang fans day ng buong cast ng Batanes na gagawin sa Trinoma Activity Center sa Quezon City. Sa Trinoma rin gaganapin ang premiere night ng pelikula kinabukasan, December 4, bago ang regular showing nito sa December 5. Kinabukasan, December 6, babalik na sa Taiwan si Ken.

At press time ay wala pang naka-schedule na presscon para kay Ken. Kung saka-sakali, walang magiging communication problem dahil marunong mag-English si Ken.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN