"Batanes" to have special screening in the province of Batanes

If plans push through, a special screening of the movie Batanes, starring Iza Calzado and Ken Zhu, will be held in the province of Batanes, where the film was shot.



A first in Philippine cinema, magkakaroon ng isang special screening ang pelikulang Batanes sa mismong lalawigan ng Batanes.

Nakatakdang bumalik ang dalawang bida ng pelikulang Batanes ng Ignite Media at GMA Films na sina Iza Calzado and F4 member Ken Zhu sa Batanes from November 28 to 30, not to do more scenes but to watch a special preview na gaganapin doon. Wala pang local film ang nabigyan ng isang advanced preview sa Batanes.

Makakasama nina Iza, and possibly Ken kung maaayos ang schedule nito, ang piling entertainment press—editors and publicists of the movie—na ililipad ng Ignite at GMA Films in cooperation with Asian Spirit to watch with them. Hindi pa final ang list ng mga iimbitahang press to fly to Batanes, ngunit may narinig na kaming details.

Isang makeshift screen ang itatayo ng Ignite Media at GMA Films sa mismong beach kung saan nag-shooting ang movie at doon ito ipapa-preview sa mga press.

Sa December 1 pa dapat babalik si Ken sa Pilipinas to help promote the movie. Nakaayos ang schedule niya with a list of guest appearances in several GMA-7 shows on December 2, a fans day sa December 3, and a premiere night sa December 4. December 5 ang regular showing ng Batanes.

With a change in schedule, susubukan ng mga producers na paratingin nang mas maaga si Ken to be part of the special screening of Batanes .


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN