Battle for primetime supremacy heats up with new ABS-CBN & GMA-7 shows running parallel

The battle of the networks rages on with new programs from both ABS-CBN and GMA-7. Kapamilya network's Princess Sarah (top) had its pilot episode last Monday, November 12, while Kapuso network's Kamandag will premiere on November 19.



Five versus five ang labanan ng primetime shows starting next week.

Rarely magpantay ang dami ng shows sa primetime ng ABS-CBN at GMA-7. Madalas na mas konti ang nightly shows ng Kapuso network at nangyari na rin na tatlong shows lang ang lumalaban sa normal na limang shows ng Kapamilya. Minsan na ring nangyari na nagpantay ang dami ng shows ng dalawang station ngunit tag-apat lang.

Next week, sa premiere ng Kamandag sa GMA-7, tapatan ang mangyayari sa primetime with five Kapuso shows versus five Kapamilya shows, not counting the primetime news programs.

Kung hindi magbabago ang schedule, the competition will start with Zaido: Pulis Pangkalawakan nina Dennis Trillo, Marky Cielo, at Aljur Abrenica versus Princess Sarah ni Sharlene San Pedro. Ito ang parehong pinakapambatang shows ng GMA-7 at ABS-CBN, respectively, kung kaya't ito ang pinakamaaga sa schedule ng dalawang giant networks.

Ang Pangarap na Bituin nina Sarah Geronimo, Rica Peralejo, at Maja Salvador ang sasagupain ng pagpasok ng Kamandag ni Richard Gutierrez. Extreme ang pagkakaiba ng dalawa, isang musical-drama at isang fantaserye-action.

Si Lastikman (Vhong Navarro) naman ang sasagupa kay Marimar (Marian Rivera) na isang extreme muli, fantaserye versus drama.

Dahil pinaka-mature ang content ng La Vendetta, starring Sunshine Dizon, Jean Garcia, and Jennylyn Mercado, among Kapuso primetime shows, mauusog ito at tatapatan ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2. It will be a fight between a thriller and a reality show.

Ang Koreanovela na Hwang Jini ang magiging katapat ng Ysabella ni Judy Ann Santos sa last block.

Sa Lunes, November 19, magsisimula ang pagtatapat ng tigli-limang programa ng ABS-CBN at GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN