Ana Capri clarifies that her properties are not from her rich 'Baby'

"Lahat ng kinita ko mula nang mag-artista ako, iningatan ko. Kaya I canafford naman to buy expensive things. Dugo't pawis ang puhunan ko samga 'yan kaya maipagmamalaki ko na akin lahat ‘yan at hindi galing saiba," declares actress Ana Capri.



Nagtataka ang aktres na si Ana Capri kung bakit ang tingin sa kanya ng ilan ay sitting pretty na lang siya at hindi na kailangan magtrabaho. Magagara kasi ang gamit na mga sasakyan ni Ana at bongga rin ang condominium unit na tinitirhan niya ngayon sa may Greenhills, San Juan.



May boyfriend daw kasi si Ana na mas matanda sa kanya at saksakan daw ng yaman. Kaya si Ana, may trabaho man o wala, buhay na buhay at sunod ang luho niya.



Pagtatanggol naman ni Ana, hindi raw siya ang tipo na umaasa ng kabuhayan sa kanyang boyfriend. Aminado ang aktres na maykaya nga ang kanyang boyfriend, pero hindi raw siya nagpapabili ng mga mamahaling bagay gaya ng kotse at bahay.



"Mahilig siyang magregalo, usually mga alahas," sabi ni Ana sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Yun na yata ang pinakamahal na bagay na naibigay niya sa akin kasi alam niyang weakness ko ang alahas. Pero yung mga sasakyan at tinitirhan ko ngayon, sa akin naman ‘yon.



"Ilang taon na ba ako sa showbiz? Twelve years na yata. Sa tagal ko naman na nag-work, marunong akong mag-ipon. Hindi ako waldas na tao. Lahat ng kinita ko mula nang mag-artista ako, iningatan ko. Kaya I can afford naman to buy expensive things. Dugo't pawis ang puhunan ko sa mga 'yan kaya maipagmamalaki ko na akin lahat ‘yan at hindi galing sa iba."



Dagdag pa ni Ana, never naman daw siyang nawalan ng regular TV show kaya dagdag 'yon sa mga naiipon niya. Huli siyang napanood sa Impostora and before that ay may ginawa siyang show sa ABS-CBN at sa TAPE, Inc. Ngayon ay kasama siya sa cast ng afternoon soap ng GMA-7 na My Only Love.



"Akala lang nila na wala akong work, pero since last year, hindi ako nawalan ng TV show. ‘Tapos may ibang raket pa ako gaya ng show sa kung saan-saan. Minsan may mga movies akong ginagawa kaya busy talaga ako sa trabaho. Maniwala naman sila sa akin!" tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Bagama't may karelasyon siya ngayon, wala pang plano si Ana na mag-settle down. Marami pa raw kasi siyang gustong gawin sa buhay niya.



"Naku, sayang ang mga raket!" bulalas niya. "Kapag nakatali ka na, mahirap nang rumaket, di ba? Sa relasyon naman namin ni Baby [pet name niya sa kanyang boyfriend], nagkakaintindihan kami. Lagi kasi siyang nasa out of the country dahil sa negosyo niya, ako naman nasa showbiz. Kung ano ang work ng isa, suportahan na lang para walang away.



"Alam naman ni Baby na hindi priority for now ang pagpapakasal. Though six years na kaming dalawa, marami pa rin kaming gustong ma-discover with each other," pagtatapos ni Ana.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN