Rodrigo Duterte faces complaint over rape joke

Apr 20, 2016
<p>Women's right groups file a complaint against Davao City mayor and presidential candidate Rodrigo Duterte for his remarks about an Australian lay minister who was raped and killed in Davao in 1989.</p>

Pormal na naghain ng reklamo ang ilang grupo ng mga kababaihan laban sa presidential candidate na si Rodrigo Duterte dahil sa kanyang “rape joke” sa isang campaign rally kamakailan.

Ang reklamo ay inihain ng representatives ng mga grupo ng kababaihan sa tanggapan ng Commission on Human Rights ngayong Miyerkules, April 20.

Labag diumano sa Magna Carta for Women ang sinabi ni Duterte sa campaign rally tungkol sa pagkaka-rape at pagkakapatay sa isang Australian lay minister sa Davao noong 1989.

Ayon sa ulat ng GMA News, kabilang sa mga grupong naghain ng reklamo laban kay Duterte ang Coalition Against Trafficking in Women-Asia Pacific (CATW-AP), World March of Women-Pilipinas (WMW), Lilak (Purple Action for Indigenous Women's Rights), WomanHealth Philippines, Kasarian-Kalayaan (SARILAYA), Sagip-Ilog Pilipinas, Sentro ng Manggagawa ng Pilipinas (SENTRO), Labor Education and Research Network (LEARN), at PILIPINA-Ang Kilusan ng Kababaihang Pilipino.

Nakasaad sa letter-complaint na inihain nila: “As a public official, an incumbent Mayor of Davao City, and now seeking to win the highest position of the land, Mr. Duterte is expected to be an examplar of a respectable, law-abiding citizen. Instead, he arrogantly flaunts his power over these women and diminishes their worth as human beings.”

Continue reading below ↓

Nilabag diumano ni Duterte ang Section 5 ng Implementing Rules and Regulations of the Magna Carta for Women o Republic Act 9710:

“The State, as the primary duty-bearer, shall: (a) Refrain from discriminating against women and violating their rights; (b) Protect women against discrimination and from violation of their rights by private corporations, entities, and individuals; and (c) Promote and fulfill the rights of women in all spheres, including their rights to substantive equality and non-discrimination.”

Matatandaang naging viral sa social media ang video kung saan sinabi ni Duterte, “Ito ang ganda pa, mukhang artista galing Amerika. Putang inang mga ito, naunahan pa ang mga mayor,” patungkol sa Australian lay minister.

Naging negatibo ang dating ng kanyang sinabi sa ilang Pinoy, kabilang na ang mga grupo ng mga kababaihan.

Gayunman, sa isang panayam sa incumbent Davao City mayor, nilinaw nitong hindi siya nagbibiro nang sinabi niya ang kanyang pahayag sa campaign rally.

Continue reading below ↓

Aniya, “It was not a joke. I said it in the narrative. I was not smiling.

“I said it in the heat of my anger. But listen to the story behind.”

Read: Rodrigo Duterte on 'rape joke': 'I said it in the heat of my anger... it was not a joke.'

Kahapon, April 19, pormal na humingi ng paumanhin si Duterte sa mga Pilipino sa pamamagitan ng paglalabas ng isang official statement.

Nakasaad dito, “There was no intention of disrespecting our women and those who have been victims of this horrible crime. Sometimes my mouth can get the better of me.”

Read: Rodrigo Duterte formally apologizes to Filipinos for rape remarks

Read Next
Read More Stories About
Rodrigo Duterte
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Women's right groups file a complaint against Davao City mayor and presidential candidate Rodrigo Duterte for his remarks about an Australian lay minister who was raped and killed in Davao in 1989.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results