Ara Mina says sister Cristine Reyes is not quitting showbiz


"I know my sister, hindi siya ganyan kahina," says Ara Mina (left) about her sister, Cristine Reyes (right).



Katatapos lang ng kontrobersiya sa kanila ni Manny Pacquiao, heto at napasukan naman ni Ara Mina ang tungkol sa kapatid niyang si Cristine Reyes. Ang kasabihang "blood is thicker than water" ay muling napatunayang totoo.



"Hindi sa nakikisawsaw ako, pero kapatid ko na 'yan, e," sabi ni Ara sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Maski noon, nagkaroon kami ng misunderstanding ni Cristine dahil sa pakikialam ko. E, kapatid ko siya, at after lang talaga ako sa kapakanan niya.



"Na-realize na niya 'yan, and now, sino rin ba ang tinakbuhan niya para hingan ng tulong? Hindi ba't ako rin? Kung hindi naiintindihan ng ibang tao 'yan, problema na nila 'yan, and I don't care. Basta ako, magsasalita ako dahil kailangan ng kapatid ko ng proteksiyon lalo sa ganitong pagkakataon," mariing sabi ni Ara.



CRISTINE IS NOT QUITTING. Si Ara rin ang unang nagsabi sa amin na hindi magagawa ni Cristine na basta na lang mag-quit ng showbiz dahil sa kasong kinasasangkutan nito ngayon.



"I know my sister, hindi siya ganyan kahina," sabi ni Ara. "Nag-iisip naman siya. Nagkaroon lang kasi ng konting problema sa pagde-decide sa offer ng GMA-7 sa kanya for a teleserye. Kailangang ayusin muna 'yon. Anyway, it's all up to some GMA people and Cristine. Tumutulong lang ako sa kapatid ko.



"Pero hindi siya magku-quit," diin ng aktres. "Nagsalita na agad siya tungkol diyan, dahil ipapalabas pa lang ang launching pic niyang Green Paradise, asikasuhin muna niya ito. Hindi pa nga siya nakakapag-promote nang maayos.



"Kapag naayos na niya ito at ang mga bagay na may kinalaman sa oral defamation and grave slander case na isinampa niya against Carlene Aguilar, at kapag humupa ang mga intriga, siguro Cristine will definitely be back to normal."



Ayon pa kay Ara, nahaharap ni Cristine ang mga bagay na dapat nitong asikasuhin despite the case. Ayaw lang niya talagang mapalaki pa kung magsasalita siya, yaman din lang na nasa korte na ang kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MANNY PACQUIAO. May mga nagsasabing parang nabuwisit na rin nang husto si Ara sa mga isyu sa kanila ni Manny Pacquiao, kaya nagharap na rin sila sa ilang TV interviews.



"Hindi naman sa nabuwisit, pero kailangan talagang magsalita na. At para tapos na, sabay pa naming ginawa 'yon," banggit ni Ara na ang tinutukoy ay ang panayam sa kanila ng boksingero at leading man niya na si Manny sa set ng pelikula nilang Anak ng Kumander.

Para kay Ara, walang problema sa kanila ng asawa ni Manny na si Jinky Pacquiao.



"Puwede ko siyang harapin anytime," sabi ni Ara. "Wala akong dapat ikatakot dahil wala akong ginagawang masama. Sa mga natitirang shooting days namin ni Manny sa Anak ng Kumander, okay rin lang kung naroroon siya. Kasi, wala akong ginawang masama para mangilag sa kanya.



"Lahat ng ibinintang sa akin, hindi nila mapatutunayan 'yan, na kesyo kinuhanan ko si Manny ng pera, o nagbigay siya. Idinadaan ko na lang noon sa biro 'yan, pero sobra kung makapanghusga ang ibang tao.



"Anyway, nagpapasalamat din ako kay Manny, at finally, nagsalita na rin siya. Na-appreciate ko ang pagtatanggol niya sa akin. Lumaki lang talaga dahil nagko-concentrate siya sa ibang bagay noon gaya ng laban niya.



"Mas importante rin talaga 'yon, kaya lang, naiwan akong parang sumasalo sa lahat ng bala. I feel so happy. Sana nga, pagkatapos nito, tapos na rin talaga."



Imposibleng mag-backout na lang siya sa produksiyon ng teamup movie nila ni Pacman, unless hindi manghihinayang si Manny sa perang nagastos na sa shooting.



"Magre-reshoot sila kapag pinalitan nila ako, and I don't think gagawa sila ng ganoong desisyon. Hinahabol na nila ang pelikula sa Metro Manila Film Festival.



"Ako ang first choice nila para sa movie. Tinanggihan ko na nga 'yan noong una, pero pumayag silang mapalitan 'yung script, para mapaboran kahit paano 'yung role ko, kaya finally ay tinanggap ko," pahayag ni Ara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Natatawa na lang si Ara dahil sa lahat ng nakapreha ni Ara sa pelikula, rito siya kay Pacman nakaranas ng matinding sama ng loob.



"I just hope it's worth it, at saka ayoko rin kasi yung magkasama sa pelikula, 'tapos negative 'yung mga lumalabas. Gusto ko rin namang maging kaibigan si Jinky. Kasi okay naman kami ni Manny. Kapag nagkita kami, ako rin ang unang lalapit sa kanya. Sa totoo lang, walang problema para palakihin ng ganito ang mga intriga," napapailing na pagwawakas na lang ni Ara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN