Ariel Rivera postpones recording of new album to act in "Kamandag"

Singer-actor Ariel Rivera was supposed to record his next album after a long spell, but he chose to concentrate first on the new GMA-7 fantaserye Kamandag.



Dapat pala ay magbabalik-recording na ang dating Kilabot ng mga Kolehiyala na si Ariel Rivera. Nakahanda na sana ang mga materyales ng magiging bagong album niya, pero ipinagpaliban ulit ito ng singer-actor dahil nabigyan siya ng magandang role sa bagong telefantasya ng GMA-7, ang Kamandag.



Ayon kay Ariel, handa na siya sa recording schedules niya, pero nanghinayang siya sa offer ng GMA-7 na gumanap bilang Abdon, ang ama ni Lucero na ginagampanan naman ni Mark Anthony Fernandez.



"I really don't mind doing father roles kasi nasa pagganap mo naman ‘yan, e. My last telefantasya na Atlantika, I was the father of Paolo Contis. Sa Fantastic Man naman, naging father din ako ni Mark Herras. Kahit na maliliit pa ang mga anak namin ni Gelli [de Belen, his wife], hindi naging dahilan ‘yon para hindi ko tanggapin ang offer. So it's no longer an issue sa akin. For me, work is work kaya pagbutihan na lang natin," paliwanag ni Ariel sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Marami na rin ang nakaka-miss kay Ariel bilang isang balladeer. Since nagsimula siyang gumawa ng mga shows sa GMA-7—tulad ng Narito Ang Puso Ko, Forever In My Heart, Atlantika, Now And Forever Presents Duyan, at Fantastic Man—hindi na nakagawa ng bagong album si Ariel. May ilang taon na rin ang nakaraan since he launched his last album.



"Actually, nakalimutan ko na nga kung ano ang last album ko," nakangiting sabi ni Ariel. "I think noong 2004 pa yung huli. Pero may nakahanda nang new materials for recording. Siguro early 2008 ko na ito masisimulan. Sayang din kasi ang mga trabahong dumarating ngayon. Gusto ko concentrated ako sa iisang gawain lang kaya acting muna tayo ngayon ulit."



Kasama rin pala si Ariel sa action-adventure series na Joaquin Bordado na pagbibidahan ni Robin Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN