Maja Salvador's father, former actor Ross Rival, cremated this afternoon

Young actress Maja Salvador lost her father, former actor Ross Rival, to prostate cancer. Ross's remains were cremated this afternoon.



Kaninang alas-dos ng hapon naka-schedule ang cremation ng yumaong ama ni Maja Salvador, ang dating character actor na si Ross Rival. Prostate cancer, na nagkaroon na ng maraming kumplikasyon sa ilang bahagi ng katawan gaya ng liver, ang sanhi ng pagkamatay ng ama ni Maja.



Ala-una ng madaling-araw noong Huwebes, November 15, nang itakbo sa ospital ang ama ni Maja. Nakatira sa Cavite si Ross, kapiling ang huling karelasyon nito at ang apat nilang anak. Sad to say, hindi na naabutan ni Maja ang kanyang ama nang buhay sa ospital .



Agad ding sumugod sa ospital ang kapatid ni Ross na si Phillip Salvador at ang legal wife ng dating aktor na si Alicia Alonzo. Si Alicia ang nanguna sa pag-aasikaso sa ospital hanggang sa burol ni Ross. Kasunod ni Alicia ang iba pang babaeng nakarelasyon ni Ross. Kahit nung nabubuhay pa si Ross ay nagbibigay na ng tulong si Alicia sa mga anak ng dating aktor sa ibang babae.

Anak ni Alicia kay Ross ang dating matinee idol na si Jonjon Hernandez na namatay sa isang car accident. Bukod kay Jonjon, may isa pa silang anak na nagngangalang Joseph na naka-base na sa New York. Hinintay lamang ang pagdating ni Joseph at isa pang anak ni Ross na isang basketball player/model sa United States bago siya i-cremate.

Apat na araw ibinurol sa St. Peter's Chapel sa Quezon Avenue ang dating aktor na kabilang sa pamosong showbiz clan na mga Salvador. Dumating sa burol ang mga kapatid ni Ross, gaya ng dating producer na si Ramon Salvador.

Marami naman ang nagulat sa pagdating ng comedienne na si Malou de Guzman sa burol ni Ross. Lingid sa kaalaman ng iba, nagkaroon din ng anak na babae si Ross kay Malou na nagngangalang Luchi. Si Luchi ang panganay na anak na babae ni Ross.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kagabi, November 19, dumagsa sa huling gabi ng burol ang mga kaibigan sa showbiz ni Maja, tulad nina Piolo Pascual, Mark Bautista, at Erik Santos.

Four years ago nang mahanap ni Maja ang kanyang ama pagkatapos mawala ang komunikasyon nila. Nang makita ni Maja ang ama, matindi na ang lagay ng sakit na cancer nito. In fact, sobrang payat noon ni Ross at nabalita pang namatay na.

Simula noon ay hindi na nagkait si Maja ng tulong sa pagpapagamot ng kanyang ama. Pasalamat na rin ng ibang mahal sa buhay ng yumaong aktor na na-extend pa ang buhay niya ng apat na taon. Huling nakita ng publiko si Ross sa Maja sa debut ni Maja last year.

Sa ngayon, halos tulala pa rin daw si Maja at hindi makausap nang maayos. Masyado pa ring masakit kay Maja ang pagkawala ng kanyang ama na nakapiling niya sa loob maikling panahon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN