MMFF entries "Desperadas" and "Bahay Kubo" might switch playdates

There's a big possibility that Desperadas starring Ruffa Gutierrez (left) and Bahay Kubo starring Maricel Soriano (right) will switch playdates in the coming Metro Manila Film Festival.



Ang Desperadas ang unang nagpa-presscon sa tatlong pelikula na entries ng Regal Entertainment sa 2007 Metro Manila Film Festival (MMFF)—the other two are Bahay Kubo and Shake, Rattle & Roll 9—bagama't nagpatawag ng press visit ang Regal noon sa pictorial ng nasabing dalawang pelikula.

GMA-7 ang humawak ng presscon ng Desperadas and, ironically, isang exclusive star ng ABS-CBN ang unang pina-presscon for the movie, si Ruffa Gutierrez.

Kagabi, November 20, sa Imperial Palace Suites ang presscon ng Desperadas at ang una naming napansin ay ang playdate na nakasulat sa press release— December 25. Sa original official playdate of movies, January 1 ang opening date ng Desperadas samantalang pang-December 25 naman ang Bahay Kubo at Shake Rattle & Roll 9.

So, one of the two movies will be switched with Desperadas kapag nagkataon. Napag-alaman namin na malamang na ang Bahay Kubo ni Maricel Soriano ang ililipat sa January 1.

Kinausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Roselle Monteverde-Teo ng Regal for the official explanation kung bakit magpapalit ng playdate ang dalawang pelikula.

Sabi ni Roselle, hindi pa naman daw ito sigurado, just in case lang na hindi umabot ang Bahay Kubo. It also has nothing to do with the principal photography dahil tiyak na aabot ito sa deadline.

Baka raw kasi magkaproblema sa post-production. Pagkatapos pa lang ng actual shooting makakapagsimula ang production ng editing, dubbing, music, and final cut. Then, saka pa lang makakapag-print ang pelikula ng kopya for distribution.

Dito baka matagalan ang Bahay Kubo dahil by that time na matapos sila ng final cut, sabay-sabay na ring magpapa-print ang lahat ng pelikula na kasali sa film festival at baka mahuli sila rito.

Last year, nangyari na rin ito sa isang festival entry ng Regal, ang Mano Po 5, na kinagabihan na ng December 25 nagkaroon ng print ang mga sinehan. "Nalugi" tuloy ito ng isang araw against the competition na ready na ang print sa sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tentative pa rin naman daw ito sakaling hindi sila mapagbigyan ng MMFF committee na siyang nag-approve ng mga playdate ng competing movies.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN