FIRST READ ON PEP: Ai-Ai delas Alas teams up with Robin Padilla for movie in 2008

Action superstar Robin Padilla (left) and top comedienne Ai-Ai delas Alas (right) will be paired together for the first time in a movie to be produced by Viva Films next year.


Bukod sa pinakahihintay na sequel ng blockbuster movie ni Ai-Ai delas Alas na Ang Tanging Ina—na ang pamagat, Ang Tanging Ina Ninyong Lahat— ay kaabang-abang din ang gagawing pelikula ng comedienne, kasama ang action superstar na si Robin Padilla sa susunod na taon.

Ito ang kauna-unahang pelikula na pagtatambalan nina Robin at Ai-Ai; at ikalawa naman ng comedienne na makatambal ang isang action superstar after Bong Revilla na nakapareha niya sa Kapag Tumibok ang Puso (Not Once But Twice) last year.

Ang Viva Films ang magpu-produce ng first team-up nina Robin at Ai-Ai na ididirek ni Wenn Deramas.

Sa presscon ng pelikulang Pasukob—ang comedy film nina Ai-Ai at Rufa Mae Quinto from OctoArts Films—kaninang tanghali (November 21) sa Guilly's restaurant sa may Mother Ignacia Ave., Quezon City, ay nagbiro si Ai-Ai kay Direk Wenn na huwag kalimutan ang kissing scene nila ni Robin sa movie nilang dalawa. Pagkakataon na raw kasi ni Ai-Ai na makahalikan ang guwapong action star.

Sagot naman ni Direk Wenn sa kanya, walang dapat ipag-alala si Ai-Ai dahil sisiguraduhin niyang magiging torrid ang kissing nila na aabot hanggang sa esophagus ni Ai-Ai. Biro naman ng ibang entertainment press, dapat ay hindi lang kissing scene ang gawin nina Robin at Ai-Ai kundi bed scene.

Nang tanungin naman si Ai-Ai kung payag siyang maging second wife ni Robin kung saka-sakaling alukin siya ng Muslim action star, walang patumanggang "Sure, why not?" ang isinagot ng comedienne.

Pero biglang bawi at sinabing, "Tatanungin ko muna si Liezel [Sycangco, Robin's first wife]. Kasi di ba ganun yun, ang rule dun sa Muslim, tinatanong yung first wife? ‘Pag pumayag siya, puwede. 'Pag hindi, hindi puwede."

Dagdag pa ni Ai-Ai, kailangan din daw may expiration ang pagsasama nila ni Robin. "Mga two years lang. Ang hirap kasi 'andami nang anak ni Robin!" pakuwelang sabi ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN