ABS-CBN talent Angelo Patrimonio plays in "Game KNB?" for the first time

Young actor Angelo Patrimonio has been a contract artist of ABS-CBN for two years now, but it was only recently that got to play in the game show Pilipinas, Game KNB?.



Masayang ikinuwento ng young actor na si Angelo Patrimonio ang naging karanasan niya sa pagge-guest recently sa anniversary episode ng Pilipinas, Game KNB?, ang game show ni Edu Manzano, during the presscon of the youth-oriented show Abt Ur Luv (Ur Lyf 2) last Wednesday, November 21, at the ABS-CBN compound.

Almost two years na rin si Angelo sa showbiz at sa ABS-CBN, pero never pa siyang nakapaglaro sa Pilipinas, Game KNB?—until now.

Ikinuwento ni Angelo na up to now ay hindi pa rin sila nagkikita ni Kris Aquino, na siyang dating host ng Game KNB?, sa compound ng ABS-CBN. Pero okay lang daw sa kanya kung may mag-introduce sa kanya kay Kris.

Sa mga hindi nakakaalam, nagkaroon ng ugnayan noon sina Kris at si Alvin, na noo'y aktibo pa sa paglalaro ng basketball.



"Gusto ko rin sanang sumali sa Deal or No Deal kasi malaki ang premyo," sambit ni Angelo na ang tinutukoy ang ang game show ngayon ni Kris. "Gusto kong manalo ng three million. Okay lang sa akin na magharap kami ni Kris kasi ang objective ko naman ay manalo. ‘Tsaka past na naman yung nangyari sa kanila ni Daddy [Alvin Patrimonio] at Kris noon.

Excited din na ikinuwento ni Angelo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pag-uwi sa Pilipinas ng kanyang ina na si Cindy Conwi at ng kanyang dalawang kapatid na babae na nagtri-training ng tennis sa Spain, sina Christine at Clarisse.



Darating ang mag-iina sa first week of December at may kasama silang tatlong tennis players. Isa doon ay isang Russian player na kaibigan daw ni Christine, ayon kay Angelo.



"Hindi po ‘yon boyfriend ni Christine," paglilinaw ni Angelo nang usisain namin na baka boyfriend na ng kanyang kapatid ang naturang Russian tennis player. "Bawal pa siyang magka-boyfriend, ayaw ni Daddy. Friend lang niya yung Russian tennis player. Kaedad din siya ni Christine, pero kasing-taas na ni Daddy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Babalik ng Spain sa January ang Mommy at mga kapatid ni Angelo, pero babalik si Christine on March para maglaro sa Mitsubishi tennis competition.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN