Alfie Lorenzo dares Lolit Solis's ghostwriters to come out in the open

Alfie Lorenzo narrates how he helped Lolit Solis establish herself in the showbiz industry.



Dismayado si Alfie Lorenzo sa pagkakadawit niya sa isyu ng kapwa kolumnistang si Lolit Solis na nahaharap sa P12 million libel case na isinampa nina Piolo Pascual at Sam Milby.


Sa kanyang column sa Abante noong Miyerkules, November 21, naisulat ni Alfie, “Mistulang Makapili si Lolita [Lolit Solis] na naghahanap ng mga kakampi.”

Tinatawag na Makapili ang mga taong traydor na halaw sa mga Pilipinong pumanig sa mga dayuhan nang panahon ng mga Hapon.

Matatandaan na kinuwestyon ni Lolit ang pagsasampa ng kaso nina Sam at Piolo laban sa kanya. Aniya, bakit sa kanya lamang umalma ang dalawa gayong ang ibang kolumnista naman daw tulad nina Peter Ledesma, Pete Ampeloquio, at Alfie Lorenzo ay lantarang sinasabing bakla si Piolo.

Sa taped interview ng Entertainment Live kahapon, November 24, inamin ni Alfie na nagalit siya nang marinig niya ang tungkol dito. At ang paliwanag ng talent manager kay Lolit, “Isa lang siguro ang one-liner ko, Lolit, magkakapamilya kami dito. Lahat kami nagmamahalan, hindi nagdedemandahan. Siguro natatakot na siya talaga kasi binantaan na siya ni Atty. Joji [Alonso] na makukulong na siya.”

Sinulat ni Alife sa kanyang column, “Paninindigan na lamang ba ni Lolita ang ang sinulat ng kanyang “ghost writer” [meron nga kaya?] para hindi mabilad sa publiko na hindi naman pala siya [Lolit] manunulat talaga at iba lang ang sumusulat para sa kanya under her name?”

Sabay ang hamon niyang, “Speak up—Gorgy [Rula], Jojo [Gabinete], and Ronnie [Carrasco]. May alam ba kayo diyan?”

Sa interview naman ng Entertainment Live, naikuwento ni Alfie, “Three days ago, nakita ako ni Jojo, umiwas. Si Gorgy ayaw din.” Sinundan ito nang natatawang pahayag na, “Sabi ko, ‘Siguro isa sa inyo ang kriminal.’”

BE RESPONSIBLE. Ito ang isa sa mga naging mensahe ng kolumnista kay Lolit na ngayon ay eded 60 na.

Aniya, “Sixty years old, how come ganyan pa rin ang ugali niya, e, 60 na pala siya? Ako, aaminin ko, I’m 70 years old pero gusto kong itama kung anuman yung dapat itama, di ba? At wasakin kung anuman yung mali.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Muli ding inalala ni Alfie ang mga panahong nagsama sila ng kapwa kolumnista. Sa kanyang huling mensahe, inihayag niya, “Lolit, it’s about time na makilala mo kung sino ang mga tunay mong kaibigan. Kailan ka ba nag-umpisa? Saan ka ba nag-umpisa? Nag-umpisa ka sa akin, a.

“Magkakasama tayo sa Tower Productions, I was giving you ten pesos. Nagkasama tayo sa Regal Films, while I was getting P1,000, binibigyan kita ng P100. So, now you think you’re bigger than me? You think you know better than me? Hindi, a! Kailangan, you should be put in your proper place, e," pagtatapos ng beteranong kolumnista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN