Former "Click" star Tricia Roman to wed non-showbiz boyfriend on December 15

GMA-7 talent Tricia Roman will marry her non-showbiz boyfriend, Weston Wade Cruz, on December 15 at Manila Metropolitan Cathedral in Intramuros, Manila.


On December 15 ay nakatakdang ikasal ang dating Click star at commercial model na si Tricia Roman sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Weston Wade Cruz. Si Tricia ang isa sa mga original Click cast members, kasabay nina Alessandra de Rossi, Roxanne Barcelo, Biboy Ramirez, at iba pa.

Sa ngayon ay inactive na sa kanyang showbiz career si Tricia, although may ilang guestings pa rin siya sa kanyang home network na GMA-7. The last soap opera she did was Captain Barbell, kasabay ng pag-aaral niya ng kursong Nursing.

Ayon kay Tricia nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), hindi rin daw niya inaakalang sila na ni Weston ang magkakatuluyan, lalo pa nga't sa five years na pagiging magkasintahan nila ay may times daw na nag-break or naging cool-off sila.



Ayon kay Tricia, maituturing niyang childhood sweetheart si Weston dahil bata pa lang siya ay gusto na siyang ligawan nito. Pero at that time ay hindi pa gustong paligaw ng dating aktres. Magkapitbahay lang ang dalawa.

Isang taon lang agwat ng kanilang mga edad, Tricia is 26 while Ton is 27.



Masasabing at Ton's age, very capable na ito na pakasalan si Tricia at bumuo sila ng pamilya. May stable job na kasi si Ton, being a certified public accountant (CPA) and managing director of their family-owned hospital in Manila.

The wedding of Tricia and Weston will take place on December 15—also the date of their fifth anniversary as sweethearts—at Minor Basilica of the Immaculate Conception, Manila Metropolitan Cathedral in Intramuros, Manila at 5:30 in the afternoon. Ang reception naman ay sa Quezon Ballroom ng Makati Shangri-La Hotel.

Iilan lang ang showbiz personalities among Tricia and Ton's list of sponsors. Kasama sa eight pairs of sponsors si German "Kuya Germs" Moreno, ang talent manager na si Becky Aguila, at ang executive producers ng ilang show ng GMA-7 na sina Rams David at Helen Rose Sese.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang naman sa entourage bilang bridesmaids sina Angel Locsin at Iya Villania. Si Valerie Concepcion naman ay isa sa mga secondary sponsors at ang anak nitong si Heather Fiona Galang ay isa sa mga flower girls.

Sinabi ni Tricia na masayang-masaya siya sa mga nangyayari sa kanyang personal life. After her wedding, okay pa rin daw sa kanya ang mag-artista, as long as may opportunity pa rin na darating sa kanya or project na puwedeng ibigay sa kanya ang Kapuso network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN