Gladys Guevarra's manager is last to know about her entry in PBB house

Gladys Guevarra's (in photo) manager and PEP contributor Jun Nardo reveals that he was not aware that his talent comedienne would enter the Big Brother house. "Nasaktan ba kami? Slightly, pero wala kaming alam sa desisyon niya," says Jun.


Bumulaga na nga sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2ang comedienne na si Gladys Guevarra bilang bagong housemate kahapon, November 28, sa Uber edition ng reality search ng ABS-CBN.



Bilang naturingang manager ni Gladys, sunud-sunod ang tanong sa amin ng ilang kaibigang entertainment writers nang malaman nila ang pagpasok ng aming alaga sa Bahay ni Kuya.

Clueless talaga kami sa desisyon ni Gladys na pumasok sa Bahay ni Kuya. Wala rin namang kumontak sa aming taga-ABS-CBN upang ipaalam na magiging housemate ang aming alaga sa PBB Celebrity Edition. Wala ring sinabi sa amin si Gladys sa plano niya noong bumalik siya ng bansa last November 16.

Pero last Monday, November 26, nakatanggap kami ng text message galing kay Gladys. Nagpapaalam siya dahil meron daw siyang matinding desisyon na kailangang gawin.

Bago bumalik ng bansa si Gladys after three months sa New Jersey kasama ang boyfriend na si Philip Peredo, a day before (November 15) ng dating niya ay tumawag siya sa amin. Kailangan daw ang presence niya sa pagbubukas ng branch ng Lugawan Republic niya sa Metrowalk na nagbukas last November 22 sa publiko.

"May offer ba sa akin ang GMA? Kung wala, pasok tayo sa ASAP," sambit ni Gladys sa amin sa phone. Ang tinutukoy ni Gladys ay ang musical variety show ng ABS-CBN.

Of course, hindi muna kami nag-commit. Sinabihan lang namin siyang bumalik muna at saka kami nag-usap.

Pagdating niya, sa guesting ng StarTalk noong November 17 na kami nagkita. Sa Manila Peninsula sa Makati City pala siya naka-check-in, courtesy of her boyfriend.

She was in her usual self habang kumakain kami sa lugawan niya sa Timog, panay ang kuwento niya ng ginawa niya sa New Jersey na buhay prinsesa raw sa piling ni Philip. Ipinakita pa nga niya ang singsing na ibingay sa kanya ng boyfriend niya.

Pagkatapos ay nagkita kami kinagabihan nang mag-show siya sa Klownz Quezon Ave. Wala pa rin kaming hinagap na may hakbang siyang gagawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkita kami ulit sa opening ng Lugawan Republic sa Metrowalk noon ngang November 22. Kinausap namin siya sa isang booking na tinanguan niya, pero the next day ay kinansel din niya.

Hanggang sa nag-text siya sa amin last Monday, November 26, informing us na hindi muna siya tatanggap ng trabaho sa amin. Pero nandoon pa rin daw ang respeto niya sa amin. We respected her decision to part ways.

Then, naka-receive kami ng text last Tuesday night from our other talent, Teri Onor, asking kung papasok ba sa PBB si Gladys. Nalaman daw niya sa plugging ng show.

We denied knowing about Glady's decision na pumasok sa PBB. But deep inside, alam naming gusto niyang mapanood siya ng boyfriend niya sa Amerika komo walang GMA Pinoy TV roon kundi The Filipino Channel (TFC) lang.

Nakumpirma namin ito sa interview ni Gladys kay Mario Dumaual ng TV Patrol that Wednesday episode, November 28, nang pumasok na siya sa Bahay ni Kuya. Binati pa nga niya si Philip on air na sinigurado niyang panonoorin ang interview niyang 'yon dahil meron itong TFC.

Nalaman na lang namin from our photographer-friend na si Jervy Santiago na in passing ay nabanggit sa kanya ni Gladys ang pagpasok nito sa PBB.

Sabihin na nating we were the last to know sa desisyon na ito ni Gladys. Nasaktan ba kami? Slightly, pero wala kaming alam sa desisyon niya.

Wala rin namang courtesy ang mga taong namamahala ng PBB to text or call us upang ipagpaalam si Gladys. Bakit namin tatanggihan ang offer kung gusto rin naman ng dati naming alaga? Bastusan ba ang gusto nila?

Pero rather than cry over spilled milk, haharapin na lang namin ang mga ibang trabahong naghihintay sa amin.

Tanong nga ni Annabelle Rama sa amin, "Hindi ka ba yumaman kay Gladys?" Tumawa lang kami nang malakas dahil hindi kasi niya alam how it is to manage Gladys Guevarra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN