Ruffa Gutierrez considers herself "plain mommy" working for her kids

After 12 years, Ruffa Gutierrez is excited about gracing the silver screen again. She will be portraying the role of Isabella in Desperadas.


After twelve years ay muling nagbabalik si Ruffa Gutierrez sa paggawa ng pelikula. Isa nga sa bida ng pelikulang Desperadas ang TV host-actress, kung saan kasama niya sina Rufa Mae Quinto, Iza Calzado at Marian Rivera.

Excited nga si Ruffa dahil bukod sa comeback film niya ang Desperadas, kasama pa ito sa Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre, kaya makakasakay ulit siya ng MMFF float sa December 24.

"My gosh, nakaka-excite kasi ang tagal na panahon bago ako nakagawa ng movie. Akala ko nga ‘di na matutuloy itong Desperadas. Sa totoo lang, ako lang ang naiwan sa original cast. Hindi ba dapat kasama ko rito sila Pops [Fernandez], Dawn [Zulueta] and Gretchen [Barretto]? Hayun, ako na lang ang naiwan. Pero okey lang because the cast was great. Lahat sila naging good friends ko," ang masayang sabi ni Ruffa.

Medyo may personal connection si Ruffa sa role niya sa movie bilang si Isabella. Isa siyang single parent na sobra ang pagkasosyal at bongga kung gumastos sa kung anu-ano.

Ang kuwento niya, "My role is so glamorous. I always want to look my best. Tulad nga sa tunay na buhay, gano'n din naman ako. Sa movie naman, I have an Imeldific lifestyle at sobra kung makagastos ng pera."

Although sa totoong buhay, alam daw niya ang value ng pera. Aniya, "I'm not like that kasi since I was 12 years old, natuto na akong magtrabaho. And I value what I earn sa lahat ng pelikula at TV shows ko na ginawa ko. I can consider myself as a working mom. Praktikal ako sa lahat ng bagay. I have two kids na pinag-aaral ko at maraming pangangailangan. Lorin and Venice understand how busy I am parati."

Bukod sa pag-arte ay nagagawa pang mag-host ni Ruffa ng The Buzz every Sunday at may mga product endorsements pa siyang ginagawa. Nagpapasalamat nga si Ruffa na kahit single parent siya ngayon, maraming blessings ang dumarating sa kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For the longest time, hindi ko naranasan ang mapuyat or mapagod sa set. Ngayon lang ulit pero na-miss ko ito talaga. Kaya kahit na nag-adjust ako ng husto with all the showbiz work, I survived it all.

"I'd like to thank God because of all the blessings. I mean, okey ang buhay naming mag-iina and, at the same time, my needs are being fulfilled. Like what I said, I missed this life and I want my daughters to learn from what they see me doing now. I still consider myself as a plain mommy who works for her kids," paliwang ng dating beauty queen.

Ang maganda pa rito ay nagagawa pa rin ni Ruffa na maturuan ang kanyang mga anak na ma-involve sa pagkakawang-gawa.

"I took them before sa White Cross orphanage in San Juan and they saw ang kalagayan ng ibang kids na kaedad nila. Pinapakita ko sa kanila na they are lucky to have a good life. May ibang bata na kaedad nila who need a lot of things like food, clothing, medicine, toys, and shelter. Kaya sila Lorin and Venice, they enjoyed giving gifts. Ngayon pa lang, I am teaching them to share kung ano ang sobra na meron sila sa ibang mga bata na mas kailangan iyon," ang pagtatapos ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN