Erap and Megastar reunite at debut party of Jinggoy's daughter

After several years, Joseph Estrada and Megastar Sharon Cuneta show the public that everything is well between them. Senator Kiko Pangilinan, a former administration ally, also gives the former president a hug.


Bongga ang 18th birthday party ng panganay na anak nina SenatorJinggoy Estrada at Precy Vitug-Ejercito na si Janella Marie V.Ejercito. Ang nasabing debut celebration, kung saan nagtipun-tipon ang mga tanyag na pangalan sa pulitika at showbiz, ay naganap last Friday, November 30, saHarbor Garden Tent ng Sofitel Philippine Plaza, Roxas Boulevard.

Bukod sa debut, nagmistulang reunion-reconcilitation ang event. Nagkita-kita kasi ang mga dating nagkaroon ng "iringan" o "tampuhan."

Una, sina Lani Mercado at Gretchen Barretto.

Matatandaang may snubbing incident na naganap sa pagitan ng dalawa noong nag-celebrate ng birthday si Lorna Tolentino sa MDC Bar, na pag-aari ni Senator Jinggoy, sa Wilson St., San Juan, noong December 23, 2006. Nasundan pa ito ng sagutan sa telebisyon makalipas ang ilang linggo.

Subalit, noong gabing iyon ay masayang nagbatian at nag-shake hands ang misis ni Bong atsi Gretchen. Tuluyan na kaya nilang naibaon sa limot ang kanilang samaan ng loob?

Samantala, may isa pang magandang eksena nanaganap noong gabing ‘yon. After a long time ay nagkita ulitsina Sharon Cuneta and dating pangulong Joseph Estrada.

Kasama ni Sharon ang mister na si Sen. Kiko Pangilinan at sabaysilang lumapit sa table nina Erap para bumati. Nagyakapan sina Shawieat Erap, at maging sina Erap at Kiko.

Matatandaang naging mainit na isyu noon kay Kiko ang ginawa nitongpagtanggi na buksan ang election returns during the congressionalcanvassing of the 2004 elections.

Nabansagang "Mr. Noted" si Kiko thattime, at sumama ang loob sa kanya ng mga kapanalig ni presidentialcandidate Fernando Poe Jr., na matalik na kaibigan ni Erap.

Last May elections, Kiko ran for senator as an independent candidate. At ngayon ay nasa hanay na siya ng oposisyon.

It was February of this year lang nag-umpisang bumalik sa dati anglahat nang dumalo sina Sharon at Kiko sa birthday party ni Jinggoy.Hindi maitago ni Sen. Jinggoy ang kasiyahan sa naganap na pagkikitangmuli ng kanyang ama at nina Sharon at Kiko. Itinanggi ni Jinggoy sa PEP(Philippine Enetrtainment Portal) na nagkaroon ng gap sa pagitan ngdaddy niya at ng mag-asawa. Maging sila ni Kiko na kasamahan niya saSenado ay wala raw problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ganda nilang pagmasdan na magkakasama at masayangnagkukuwentuhan at nagbibiruan. Ganadong bumangka ang Megastar na panayang bungisngis habang aliw na aliw rin sa kanya sina Erap at Jinggoy.
Mukhang napasarap ng tsika si Sharon dahil napansin ng PEP na nagtagalito sa party. Halos karamihan ng celebrity guests ay nagsialis na perosi Mega ay isa sa mga huling umalis.

Tiyak na marami pang masaya at maaliwalas na showbiz parties na magaganap ngayong Pasko.

Para sa coverage ng party ni Janella, click this LINK.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN