PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mariel Rodriguez picks her Big Four in "Pinoy Big Brother" Celebrity Edition 2

Mariel chooses Ruben, Yayo, Donnie, and Jon as her Big Four.
by Alex Datu
Published Dec 4, 2007
Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 co-host and special guest housemate Mariel Rodriguez reveals her favorites for the Final Four.

Sa interview kay Mariel Rodriguez sa radio program ni Ogie Diaz na Wow, Ang Showbiz! sa dzXL kaninang umaga, December 4, ay nasabi nito na bilang co-host ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 ay bawal sa kanya ang magbigay ng pangalan kung sinu-sino sa tingin niya ang papasok sa Big Four. Pero bilang former special guest housemate, sinabi rin niya kung sinu-sino ang mga gusto niyang pumasok sa Big 4 among the remaining housemates.



"I don't know if I'm allowed to do this kasi I'm a host also," pauna niya. "I'm speaking as a housemate... Ang Big Four for me are Ruben [Gonzaga], Mommy Yayo [Aguila], Donnie [Geisler] and, of course, Jon [Avila]."



Tinanong si Mariel kung iti-text ba niya nang todo-todo si Jon, na naging malapit sa kanya habang nasa loob sila ng Bahay ni Kuya, para manalo ito.

"Alam mo, hindi ako nagti-text kasi host ako. Parang feeling ko, bawal," maingat na sagot ni Mariel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sana hindi siya ma-evict. Kung tungkol naman kung may namagitan sa amin, Jon and I will talk kung lumabas siya sa Bahay ni Kuya. Paglabas niya, we'll talk."



Sobrang nababaitan daw si Mariel kay Jon at aminado naman siya na talagang crush niya ang model.



"Ang perception ko sa kanya noon ay guwapo siyang tao. Ngayon, he's more than a pretty face. Sobrang ang bait niya, sobrang talino, at gentleman," papuri niya.

Nanligaw ba si Jon sa kanya habang nasa loob sila ng PBB house?

"Tanungin n'yo na lang si Jon sa paglabas niya kung nanliligaw siya sa akin. Alangan naman na magsalita ako ng kung anu-ano, e, 'yon pala, magkapatid lang kami, friendship lang pala!" natatawang sabi ni Mariel.

Isa talaga sa mga inabangan sa paglabas ni Mariel from the PBB house ay ang pagsisiwalat nito ng pangalan ng kanyang mystery friend na napanood sa PBB.



"Oh my God!" tili niya. "Nagkita na kami mula nang lumabas ako. Mystery talaga siya. Anyway, marami na rin akong inamin sa buhay ko noong nandun ako sa Bahay ni Kuya, so it will remain a mystery. Mas magandang iwan na rin siya sa ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



Marami ang naniniwala na si Zanjoe Marudo ang mystery friend ni Mariel, pero talagang ayaw umamin ng dalaga. Ano ba talaga ang relasyon nila ng model-turned-actor?



"Tanungin n'yo si Zanjo," sabi niya. "Pero sana alisin na natin siya sa isyung ito kasi nakakahiya naman sa kanya. Wala naman siya sa loob ng Bahay ni Kuya. Sometimes, nahihiya na lang ako sa kanya. Let's just respect his privacy."

Ano naman ang masasabi niya sa iba pang celebrity housemates na sina Baron Geisler at Riza Santos?

"Si Baron, ang sweet-sweet niya, sobra!" bulalas niya. "Sobrang ang bait nun. Siya yung tao na when I first got in, akala ko talaga na hindi kami magki-click nito. Si Baron talaga, ang dami kong natutunan sa kanya. He's such a wonderful person.



"Si Riza naman," patuloy niya, "she likes fixing herself talaga, pero hindi siya maarte. Sa lahat ng pagsubok and challenges na ibinigay ni Kuya, never 'yan na nag-inarte. Whether masugat-sugatan na siya, gagawin niya 'yon lahat. I like her and everyone in the house."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 co-host and special guest housemate Mariel Rodriguez reveals her favorites for the Final Four.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results