Jolina Magdangal enters PEP's blogosphere

The 29-year-old singer-host-actress describes herself as a "jolly and happy" person, and that's how she's gonna be as a blogger. In her first entry, she shares her cool ideas to make PEP's blog town livelier!

Click THIS to read the first entry.


Ang first impression natin sa kanya? Masayahin. Parang kapag kasama mo siya ay wala kang gagawin kundi tumawa.

Siyempre, alam naman na nating lahat na bukod sa pagiging magaling na singer at dancer ay magaling talaga siyang magpatawa. Kumbaga, she has the knack for comedy. Simula pa noong nasa Ang TV (1992) siya hanggang sa napunta siya sa primetime block para sa romantic comedy projects, Labs ko si Babes (2003) on ABS-CBN and I Luv NY (2006) on GMA-7—kung saan nakasama niya ang dating ka-loveteam na si Marvin Agustin— napapahalakhak na niya tayo!

Isa siya sa mga artistang nasa wish list ng PEP (Philippine Entertainment Portal) para maging blogger. Kaya noong nakakita ng pagkakataon ang PEP para imbitahin siya, sinunggaban na nito kaagad. At hindi naman kami nabigo dahil sumagot siya ng "Oo."

Kaya heto na nga, makakasama na ng buong PEP community si Binibining Jolina Magdangal. Palakpakan!!!

Sinadya po naming sa wikang Tag-lish isulat ang introduction para sa kanyang blog dahil gusto naming maramdaman n'yo rin ang down-to-earth personality ni Jolens. Para sa isang well-accomplished star-entrepreneur, na nakakatrabaho ang Presidente ng Pilipinas, wala siyang kaere-ere.

And as a blogger, dadalhin niya sa mundo ng PEP ang walang humpay na katatawanan at walang kasing-sarap na kuwentuhan. Marami siyang magagandang ideya na tiyak na ikatutuwa niyo, kaya nga noong nag-suggest siya ng kanyang blog title, wala na kaming nasabi.

Chuva Chika, tumpak, di ba?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN