Rodrigo Duterte tells US, Australia envoys: "Do not interfere."

Apr 21, 2016
<p>Presidential candidate Rodrigo Duterte tells US, Australia ambassadors not to meddle with Philippine election, after the two envoys criticized the Davao City mayor over his rape joke.</p>

Hinamon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang isang Australian ambassador at isang US ambassador matapos nilang magkomento tungkol sa naging pahayag ng presidential candidate sa isang Australian rape victim.

Sa kasagsagan ng isyung kinasasangkutan ni Duterte, kaugnay ng 'gutter joke' nito sa isang rape victim , hiningan ng komento ang dalawang ambassadors.

Tinuligsa ng mga kinatawan ng US at Australia ang birong ginawa ni Duterte tungkol sa rape.

Kamakalawa, sinabi ni Australian Ambassador Amanda Gorely na hindi dapat gawing biro ang isyu ng rape, kaugnay ng naging pahayag ni Duterte nang makuhanan siyang nagsasalita sa isang political rally.

Sabi ng ambassador, “Rape and murder should never be joked about or trivialised. Violence against women and girls is unacceptable anytime, anywhere.”

Sinegundahan naman ni US Ambassador Philip Goldberg ang pagbatikos kay Duterte.

“I can only agree with the colleague from the Australian Embassy.

“Any statements by anyone, anywhere that either degrade women or trivialize issues so serious as rape or murder, are not ones that we condone,” ani Goldberg sa isang TV interview.

Continue reading below ↓

Reaksiyon naman ni Duterte, bukod sa mensaheng manahimik ang dalawang ambassadors, hinamon din nito ang dalawa na putulin ng kanilang bansa ang ugnayan nila sa Pilipinas.

Buwelta ni Duterte sa Australian at US envoys, itikom ang kanilang bibig.

“Do not interfere because it's election time,” sagot ng Davao City mayor sa ulat ng GMA News Online kahapon, April 20.

Nang kunan ng reaksiyon na posibleng maapektuhan ang relasyon ng bansa sa ibang bansa, sagot ng alkalde, “That's their problem, not mine.

“I never interfere in their elections.

“If I become president, go ahead and sever it.”

Kabilang ang US sa mga pinakamalapit na kaalyado ng Pilipinas, at pumanig pa sa ating bansa sa isyu ng disputed territory ng China; habang kinampihan naman ng Australia ang posisyon ng US hinggil sa isyu.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Presidential candidate Rodrigo Duterte tells US, Australia ambassadors not to meddle with Philippine election, after the two envoys criticized the Davao City mayor over his rape joke.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results