PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Star Magic talent Arron Villaflor feels blessed with role in "Katas ng Saudi"

Arron is part of the MMFF entry Katas ng Saudi.
by Alex Datu
Published Dec 14, 2007
Star Magic talent Arron Villaflor plays one of the children of Jinggoy Estrada and Lorna Tolentino in the 2007 Metro Manila Film Festival entry Katas ng Saudi.

Kasama ang young actor na si Arron Villaflor sa 2007 Metro Manila Film Festival entry na Katas ng Saudi. Ginagampanan niya ang papel ng isa sa mga anak nina Jinggoy Estrada at Lorna Tolentino.



Sa ngayon ay sobra ang pagpapasalamat ni Arron dahil muli siyang pinagkatiwalaan ng direktor na si Jose Javier Reyes sa isang markadong papel sa Katas ng Saudi.



"Sobrang blessed ko kay Direk dahil second time na niya akong kinuha at ito na nga, tapos na ang Katas ng Saudi. Sobrang blessed ko kasi nahasa na ako sa mga itinuturo niya, tulad ng mga advices, tips lalo na sa role ko. Nakatulong talaga siya para sa akin," pahayag ni Arron sa interview sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Nagpapasalamat din ang Star Circle Quest graduate dahil hindi siya pinapabayaan ng kanyang home studio, ang ABS-CBN, kahit wala siyang regular show ngayon.



"Kahit marami na kami, pero dahil gusto pa nilang makatulong sa mga iba na nangangarap din na maabot ang puwesto namin... Masaya naman ako dahil hindi kami pinapabayaan ng ABS-CBN dahil 'yon nga, nagkaroon ako ng Pedro Penduko, Sana'y Maulit Muli, at ngayon, nandito pa rin ako. Nagpapasalamat talaga ako sa ABS-CBN," pahayag ni Arron, na naging grand champion sa U Can Dance Season 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



Muling pipirma ng panibagong kontrata si Arron sa Star Magic dahil nagustuhan naman niya ang ginagawang pamamalakad sa kanyang career. Pero paano kung magkainteres sa kanya ang GMA-7 at alukin siyang maging talento nito?



"Wala namang problema doon," sagot ng young actor. "Kung show, siyempre, dahil pag-uusapan 'yan ng bossing... Kung pumayag naman sila, okay naman, gagawa ako sa kabilang network. Pero ibang usapan kung lilipat ako, dahil sa ngayon ay hindi muna kasi sa ABS-CBN na rin ako lumaki. Pero para sa akin, ayoko munang lumipat kasi nakita ko na 'yong paghahawak ng mga taga-ABS-CBN, e."

Dahil tutok sa kanyang career at pag-aaral si Arron at walang nababalitang nililigawan, pinagdududahan tuloy ang kanyang pagkalalake. Pero binalewala ng Star Magic talent ang tsismis na ito tungkol sa kanya.



"Hindi naman totoo 'yon," sabi ni Arron. "Siyempre ang mga tao, talagang pagdududahan ka depende sa role na gagampanan mo, lalo na kung gay role. Hindi ka talaga tatantanan at talagang kakalkalin ang pinakabutas ng pagkatao mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



Paano naman kung matsismis siya na "toy boy" ng isang mayamang bading, ano ang gagawin niya?



"Naku, hindi ko na lang papansinin," sambit niya. "Mayroon kasing baklang gusto kang i-manage dahil bilib siya sa talent mo. Pero para sa akin, hindi ko na lang papansinin 'yong mga ganun kasi hindi naman talaga totoo."



Dagdag pa ni Aaron, hindi siya papatol sa bakla dahil naniniwala siya sa kanyang talento na puwedeng maging instrumento nito sa panangumpay ng kanyang career.

Read Next
Read More Stories About
Arron Villaflor, Joey reyes
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Star Magic talent Arron Villaflor plays one of the children of Jinggoy Estrada and Lorna Tolentino in the 2007 Metro Manila Film Festival entry Katas ng Saudi.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results