Senator Jinggoy Estrada to patch up rift between Bong and Edu

"Nung una pa lang, pareho ko na silang tinawagan, separately. Kinausapko sila, pero parehong mainit. Kakausapin ko ulit sila malamang thisweek. Hindi magtatagal ‘yan, magkakabati rin ‘yan," a hopeful Senator Jinggoy Estrada said about the ongoing rift between fellow Senator Bong Revilla and OMB Chairman Edu Manzano.


Nabigo si Senator Jinggoy Estrada sa una niyang pagtatangka na pagbatiin ang may alitan na mga kaibigan niyang sina Senator Ramon "Bong" Revilla at Optical Media Board Chairman Edu Manzano. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang bangayan nina Senator Revilla at Chairman Manzano.



"Nung una pa lang, pareho ko na silang tinawagan, separately. Kinausap ko sila, pero parehong mainit. Kakausapin ko ulit sila malamang this week. Hindi magtatagal ‘yan, magkakabati rin ‘yan," sabi ng senador nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press preview ng 2007 Metro Manila Film Festival entry na Katas ng Saudi.

All smiles naman si Jinggoy sa mga papuring natanggap niya sa kanyang mahusay na performance sa Katas ng Saudi ng Maverick Films. Nakakuha rin ng Grade A mula sa Cinema Evaluation Board ang pelikula na pinagbibidahan nina Jinggoy at Lorna Tolentino.

Maging si Bong ay pinuri ang kanyang kaibigan sa bago nitong pelikula. Si Bong ay bida naman sa isa pang MMFF entry, Resiklo.

"Magaling na artista yun," tukoy ni Jinggoy sa matalik na kaibigan. "Mas naunang mag-artista sa akin ‘yon at mas marami siyang pelikulang ginawa kesa sa akin. Pero iimbitahan ko siya sa premiere night ng pelikula namin. Silang dalawa ni Edu."

Balitang-balita rin na hindi ang kaibigan niyang si Bong angmagiging mahigpit na kalaban ni Jinggoy para sa Best Actor sa MMFFAwards Night kundi ang boxing champ na si Manny Pacquiao.



"No comment. Idolo ng mga Pilipino ‘yan," nakangiting sabi ni Jinggoy.

Personal din daw na iimbitahan ni Jinggoy ang kanyang ama, si dating president Joseph Estrada, sa premiere night ng Katas ng Saudi, December 20.

Kaugnay nito, natanong namin si Jinggoy kung ano ang reaksyon niya sa sinabi ni Erap na kung hindi lalabas na malakas sa survey bilang candidate for vice president next election ang senador, siya mismo ang kukumbinsi sa anak na huwag nang tumakbo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Kung yun ang makakabuti, bakit hindi?" sagot ni Jinggoy. "Ako man, ayokong pumasok sa isang laban na dehado ako. Kailangan talagang pag-aralang mabuti dahil saan pa ako pupunta pagkatumakbo bilang bise-presidente at natalo? So, dapat talaga pag-aralang mabuti. E, I still have one term naman para tumakbo ulit bilang senador."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN