Christopher de Leon and "Banal" co-stars trained with the SWAT Team

"Hindi biro ang training namin... Lahat ng kasamanamin sa movie, talagang members ng SWAT Team. Kung ano ang trainingnila, ganoon din ang training namin. Like kung nag-rapel sila,nag-rapel din kami, gumapang din kami sa putikan. And the mostimportant, kung paano mag-handle ng gun," says Christopher de Leon about training with the SWAT Team for the movie Banal.



Dream-come-true para sa premyadong aktor na si Christopher de Leon ang role niya sa pelikulang Banal—that of a man in uniform. Ito ang pagmamalaking kuwento ni Boyet sa presscon ng Banal kaninang tanghali, December 18.

"Kaya nang i-offer sa akin ang role ni Ms. Ina [Alegre, producer and co-star] at ng bagong direktor na si Cesar Apolinario, hindi na ako nagtanong pa kung anong klaseng pulis o sundalo ang gagampanan ko. Later ko na lang nalaman na ako pala si Major Miguel Sagala, isang trainor ng mga pulis ng Special Weapon and Tactics [SWAT], dahil kami ang magiging guard sa pagdalaw dito ni Pope, na siyang tinalakay sa story," kuwento ni Boyet sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Hindi biro ang training namin," patuloy niya, "dahil maliban sa akin at kina Alfred Vargas, Paolo Paraiso at Paolo Contis, lahat ng kasama namin sa movie, talagang members ng SWAT Team. Kung ano ang training nila, ganoon din ang training namin. Like kung nag-rapel sila, nag-rapel din kami, gumapang din kami sa putikan. And the most important, kung paano mag-handle ng gun.

"Kung napapansin ninyo, sa mga operations, iba ang paghawak ng baril ng mga SWAT. Kahit sila magpatalon-talon, hindi nahihiwalay ang baril nila sa kanila. Ang hindi lang namin pinag-aralan masyado ay tungkol sa mga bomb explosion. Pero yung ibang training, nakapasa kami and we're given a certificate and an ID as honorary members ng SWAT."

Napansin na support lang si Boyet kina Paolo Contis at Alfred Vargas sa pelikula. Okay lang ba sa kanya na manalong Best Supporting Actor kung sakali?

"I don't mind na maging support lang ng mga kabataang artista. Okay din sa akin kung manalo akong Best Supporting Actor. Kung minsan, nakakasawa na ring manalo ng Best Actor award!" biro ni Boyet.

"Saka baka ‘pag Best Supporting Actor nomination, makasama na ako dahil once pa lang naman akong nanalong Best Supporting Actor, pero hindi sa festival. Sa Best Actor category, hindi na nila ako isinasama. Baka nagsasawa na rin silang isali ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang Banal, to think na bago pa lang magdidirek sa movie si Cesar Apolinario?

"No, kasi napapanood ko ang mga documentaries na ginagawa niya sa GMA-7 at nagugustuhan ko ang pagdidirek niya doon. In this movie, may mga suggestions naman akong ibinibigay—guidance lang—dahil si Direk Cesar naman ay very open-minded sa mga suggestions. He's open to inputs at pumipili na lang siya doon kung alin ang gagamitin niya."

Nabalitaan namin na may offer sa kanyang movie kung saan gaganap siyang isang gay. Tatanggapin ba niya ito?

"Why not?" mabilis niyang sagot. "If ever, first time ko ‘yon na gaganap ng ganoong role. Open naman ako to any role na ibigay sa akin, pero kung gay role, may parameter ako, may limitations ako. Ayoko na may bed scene, kissing scene, o screaming scenes. Kung napanood n'yo yung Philadelphia nina Tom Hanks at Antonio Banderas, ganoon lang ang gusto kong character o kaya comedy, pero hindi maingay. Kaya kailangan ko munang mabasa ang script saka ako magde-decide kung tatanggapin ko."

Ayon sa manager na si Lolit Solis, kung matutuloy ang offer ng Viva Films, makakasama ni Boyet sa pelikula sina Edu Manzano at Eric Quizon. Tatlong klaseng gays daw ang gagampanan nila at mayroon silang anak, si Anne Curtis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN