"Enteng Kabisote 4" and "Sakal, Sakali, Saklolo" reportedly leading at the box-office

According to unoffficial and unconfirmed reports, Sakal, Sakali, Saklolo (left) and Enteng Kabisote 4 (right) are fighting it out for the No. 1 position in the ongoing 2007 Metro Manila Film Festival.



Bagama't wala pang official figures and ranking kaugnay ng box-office results ng anim na pelikulang kalahok sa unang dalawang araw ng 2007 Metro Manila Film Festival (MMFF), nakatanggap na ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng unconfirmed reports tungkol dito.

Ayon sa mga nakuha naming impormasyon, pukpukan ang labanan ng Enteng Kabisote 4 ng OctoArts Film/M-ZET Productions at Sakal, Sakali, Saklolo ng Star Cinema para sa unang puwesto, bagama't mas nakakaungos daw ng bahagya ang pelikula ni Vic Sotto kumpara sa pelikula nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Naglalaban-laban naman daw sa ikatlo at ika-apat na puwesto ang Shake, Rattle & Roll 9 ng Regal Entertainment at Resiklo ng Imus Productions, although mas marami ang nagsasabi na lamang ang horror franchise ni Mother Lily Monteverde. Nakatanggap din kami ng report na dahil late nang dumating ang prints ng Resiklo sa ilang sinehan noong first day nito, nakaapekto diumano ito sa box-office performance ng pelikula ni Senator Bong Revilla.

Nasa ika-limang puwesto naman daw ang isa pang Regal entry na Bahay Kubo starring Maricel Soriano at nasa ika-anim na puwesto ang Katas ng Saudi ng Maverick Films, kung saan tampok sina Senator Jinggoy Estrada at Lorna Tolentino.

Ang tatlong nalalabing entries—Banal, Anak ng Kumander, at Desperadas—ay magsisimulang ipalabas sa January 1, 2008.

Sa January 5 naman nakatakda ang Gabi ng Parangal ng MMFF. Dahil malaking porsiyento pa rin ang box-office results sa pagpili ng mananalong Best Picture, malaki ang posibilidad na ang sequel ng mga nanalo last year ang tanghaling Best Picture winners this year.

Kung hindi mababago ang ranking sa box-office sa first two days ng MMFF, Best Picture ang Enteng Kabisote 4, 2nd Best Picture ang Sakal, Sakali, Saklolo, at 3rd Best Picture naman ang Shake, Rattle & Roll 9. Kung may makakalusot mang ibang pelikula sa tatlo, malamang na Resiklo ang pumasok. Totally out naman na sa Best Picture category ang tatlong pelikula na ipalalabas sa January 1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa acting categories naman, mahigpit daw na maglalaban-laban sa Best Actor award ang matalik na magkaibigan at kapwa senador na sina Jinggoy Estrada para sa Katas ng Saudi at Bong Revilla para sa Resiklo. Dark horse naman daw sina Paolo Contis para sa Banal at Ryan Agoncillo para sa Sakal, Sakali, Saklolo.

Para sa Best Actress, frontrunners sina Maricel Soriano para sa Bahay Kubo, Judy Ann Santos para sa Sakal, Sakali, Saklolo, at Lorna Tolentino para sa Katas ng Saudi. Pero hindi rin dapat pagtakhan kung biglang makalusot ang alinman sa apat na bida ng Desperadas na sina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, at Marian Rivera.

Para sa Best Supporting Actor, malakas ang laban ng multi-awarded actor na si Christopher de Leon para sa Banal. Posible niyang makatunggali ang dating child actor na si Jiro Manio ng Bahay Kubo at ang young actor na si Dingdong Dantes para sa Resiklo.

Sa Best Supporting Actress, tila mga comediennes ang magiging mahigpit na magkakalaban this year—sina Gina Pareño ng Sakal, Sakali, Saklolo, Vangie Labalan ng Katas ng Saudi, at Eugene Domingo ng Bahay Kubo.

Tila mahihirapan naman ang mga hurado kung alin sa Katas ng Saudi at Sakal, Sakali, Saklolo mananalo si Joey Reyes bilang best director. Pareho kasing Rated A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang dalawang nabanggit ng pelikula. Pero kung magkaroon man ng upset sa Best Director category, posibleng ang pamangkin ni Direk Joey na si Mark Reyes ang makasungkit ng tropeyo para sa Resiklo, na Rated A din, o puwede ring si Joel Lamangan either para sa Bahay Kubo o Desperadas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN