Jennylyn Mercado's mother and manager are aware of her pregnancy

Young actress Jennylyn Mercado first suspected that she was pregnant when she did not get her monthly period last month.



Mula mismo sa publicist ni Jennylyn Mercado na si Vinia Vivar ay nakumpirma namin ang pagbubuntis for six weeks and two days ng first female StarStruck winner, courtesy ng kanyang boyfriend na si Patrick Garcia.



Sinubukan naming i-text ang kanyang manager na si Becky Aguila but at press time ay wala pa kaming natatanggap na sagot. Ayon kay Vinia, kasalukuyang kasama ni Jennylyn ang kanyang manager at boyfriend na si Patrick Garcia na nakikipag-usap sa Huwes para sa pagpapakasal nila sa Makati.



Ilang araw bago pumutok ang balitang pagdadalangtao ni Jennylyn ay nakausap pa namin si Becky. Ipinaabot niya sa amin ang kanyang pasasalamat kay Manny Pacquiao sa pagtupad nito sa kanyang pangako na tanggalin ang kissing scene ng isa pa niyang alaga na si Valerie Concepcion sa Anak ng Kumander.

Pagkatapos ay napagkuwentuhan namin ang iba pa niyang mga talents, pati na ang bagong dagdag sa kuwadra niya na sina Andrew Wolff na mag-iiba ng image, ang dating ka-loveteam ni Anne Curtis na si Chubi del Rosario, at si Joross Gamboa.

Excited din na ibinalita ni Becky na pasok na ang isa pa niyang talent sa bagong game show ni Kris Aquino na Wheel of Fortune. Si Jasmin Fitzgerald ang local version ng Amerikanang nagbubukas ng mga letter sa international version ng Wheel of Fortune. Kapatid ng Pinoy Dream Academy scholar na si Gemma Fitzgerald si Jasmin.

Sa usapang ‘yon, may nabanggit si Tita Becky na, so far, okay naman ang lahat ng kanyang alaga except for one na namomroblema siya sa kasalukuyan. Hindi na siya nag-elaborate sa amin kung sino sa kanyang mga alaga ang kanyang tinutukoy.



Unang nagduda si Jennylyn sa kanyang kalagayan nang hindi siya dinatnan ng kanyang monthly period last month. Sinabi niya ito sa kanyang manager at agad siyang pinatingnan sa St. Luke's Hospital bago mag-Bagong Taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



At press time, nagwawala diumano ang ina ni Jennylyn na si Mrs. Lydia Mercado nang mabalitaan niya na nasa Makati upang magpakasal ang kanyang anak, kasama si Patrick. Although very much aware si Mommy Lydia sa kalagayan ng anak, wala naman siyang ideya na magpapakasal ang dalawa ngayong araw.

Pero nagpunta sina Jennylyn at Patrick sa Makati para mag-inquire lamang at hindi para magpakasal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN