Angelica Jones—more responsible now that she is living alone

"Mas nagkaroon ako ng responsibilidad sa sarili ko. Noong magkasama pa kami ni Mommy, lahat inaasa ko sa kanya. Ngayon, adjusted na ako," says Angelica Jones about her independence.



Nagpapasalamat si Angelica Jones sa GMA-7 dahil humaba ang papel niya sa suspense-thriller series na La Vendetta. Hindi raw inakala ng sexy comedienne na hanggang ending ay makakasama siya sa show, kaya malaking tulong daw ito sa kanya.



"Akala ko kasi noong una ay guest lang ako, yung ilang taping days lang. Pero humaba nang humaba [yung role ko] kaya natuwa naman ako. Malaking tulong sa akin yung show, financially. Ang nakakaloka ay nabigyan pa ako ng ka-loveteam sa show, si Gene Padilla. Pareho kaming kuwela kaya siguro natuwa sila sa amin," pahayag ni Angelica sa farewell presscon ng La Vendetta kagabi, January 3, sa Greenhills.



Dahil sa La Vendetta ay dumami ang mga raket ni Angelica. Tawag na nga raw sa kanya ngayon ay ang pangalan niya sa show na Gerta. Patunay na may malakas na following ang kanilang programa.



NO TIME FOR LOVE. Samantala, zero daw ngayon ang lovelife ni Angelica dahil mas focused siya sa trabaho. Ngayong naghiwalay na sila ng tirahan ng kanyang ina, si Mrs. Beth Jones, mas lalo raw siyang naging seryoso sa kanyang career.

"Nakatulong yung malayo muna ako kay Mommy," sabi ni Angelica. "Mas nagkaroon ako ng responsibilidad sa sarili ko. Noong magkasama pa kami ni Mommy, lahat inaasa ko sa kanya. Ngayon, adjusted na ako. Yun din naman ang gusto ni Mommy na mangyari sa akin."



Kung si Paolo Bediones naman ang itinatanong kay Angelica, hindi na nagku-comment ang sexy comedienne. Matatandaang inamin ni Angelica na nagkaroon sila ng relasyon noon ni Paolo, pero itinanggi naman ito ng TV host. Baka raw mabigyan pa ng hindi magandang interpretation ang sasabihin niya. Pero kung imbitahan daw siyang maglaro sa game show ni Paolo sa GMA-7 na Whammy! Push Your Luck ay tatanggapin niya ito.

"I will accept the invitation because of Rufa Mae Quinto. Friend ko kasi si Rufa Mae kaya okay lang. 'Tsaka sport-sport lang. Sayang din naman ang datung, di ba? Malay mo, baka manalo pa ako!" sabay tawa ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN