Riza Santos fans threaten to boo Mariel Rodriguez on "PBB" Big Night

The Big Night of Pinoy Big Brother Celebrity Edition Season 2 will take place tomorrow night, January 3, and many are looking forward if Riza Santos's (right) fans will really boo Mariel Rodriguez (left) for cursing the Fil-Canadian beauty queen inside Big Brother's house.



May plano ang mga fans ni Riza Santos na sigawan ng "Boo!" si Mariel Rodriguez kung magpapakita ang huli sa Big Night ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition Season 2 tomorrow night, January 5, sa Araneta Coliseum.

Just when we thought na humupa na ang galit ng mga maka-Riza against Mariel dahil sa pagmumura ng huli sa kanilang idol, hindi pa rin pala dahil sa isa pang insidente.

Na-post ng ibang viewers sa You Tube ang said episode ng 24/7 live stream ng PBB, kung saan very clear ang pagmumura ni Mariel kay Riza habang kausap nito si Ethel Booba tungkol kay Will Devaughn. Natanggal ang naturang clip days later sa You Tube, which is understandable.

Hindi pumapayag ang ABS-CBN na ma-post sa You Tube ang certain portions of their shows—most especially ang mga primetime shows—dahil nagrereklamo ang mga subscribers ng TFC (The Filipino Channel) sa ibang bansa. Nagbabayad daw kasi ang TFC subscribers to watch Kapamilya shows, samantalang ang iba ay libreng naa-upload at napapanood ito sa You Tube.

Ngunit hindi ito ang ikinagalit ng mga nag-post, kundi ang pag-ban sa kanila sa You Tube. Rare ang pag-ban ng posters sa You Tube, kadalasan ay natatanggal lang ang kanilang pinu-post. Ang reklamo nila, there are worse postings na nakakalusot sa You Tube, hindi naman bina-ban ang mga nagpu-post.

There were even some sectors na nagbubuyo sa pamilya ni Riza na idemanda si Mariel for oral defamation ngunit tumanggi ang pamilya ni Riza na gawin ito. Pamilya ng mga pastor sa Canada ang mga Santos.

Ang konsuwelo na lang nila, hindi na muling napanood si Mariel either sa Wowowee and PBB Uber since lumabas siya sa Bahay ni Kuya bilang special guest housemate. Pero vigilant sila sa Big Night tomorrow na kung sakaling dumating at magpakita si Mariel sa live telecast, nakahanda na raw silang i-boo ang kanilang most-hated housemate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napaka-imposible namang hindi dumating si Mariel sa Big Night dahil bukod sa original host siya rito, isa rin nga siyang former guest housemate.

Kung mangyayari ito, Mariel would be the second housemate na mabu-boo sa Big Night ng isang PBB edition. The first to receive such unwelcome greeting was PBB 2 housemate Wendy Valdez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN