Maureen Larrazabal will miss "Bubble Gang" co-star Ara Mina from the show

At press time, sexy actress Maureen Larrazabal is not yet sure about the status of Ara Mina (inset) on their gag show, Bubble Gang, after the latter accepted a regular show on ABS-CBN.



Nabawasan ng isa, pansamantala, ang malaking cast ng gag show na Bubble Gang ng GMA-7 dahil napilitang mag-leave from the show si Ara Mina. Ito ay dahil sa pressure na malabong ang isang artista ay makapagtrabaho nang regular para sa dalawang shows sa magkalabang network pa man din. Si Ara ay busy sa bago niyang regular exposure sa ABS-CBN, ang Prinsesa ng Banyera.

Naitanong tuloy ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa co-star ni Ara sa Bubble Gang na si Maureen Larrazabal kung ano ang masasabi niya tungkol dito.



"Hindi pa kami nagkakausap ni Hazel [palayaw ni Ara], at hindi ko pa alam ang tungkol diyan. Baka naman temporary leave lang talaga. We're supposed to have taping today, at baka nga ngayon lang formally ipaaalam sa amin.



"Kung totoo, siyempre, nakaka-miss dahil naging maganda rin ang samahan namin ni Hazel. Hindi ko pa rin nga maubos-maisip kung totoo nga 'yang balitang 'yan, na mawawala na siya sa Bubble Gang," napapailing na sabi ni Maureen.



Kung sabagay raw, nasa status ni Ara ang puwede nang mag-decide ng ganoon.



"Kung saan siya masaya, di ba? Maiintindihan namin 'yon," sabi ni Maureen.

Hindi ba't nagkaroon din sila ng problema ni Ara na medyo personal? Yung tungkol sa boyfriend ni Maureen na na-link din kay Ara?



"Naayos naman 'yon, at saka matagal na 'yon," sabi ni Maureen. "Konting paliwanagan lang 'yon at misunderstanding na naayos agad. Wala kaming naging problema talaga ni Hazel. Matagal nang tapos ang isyu na 'yan."



Si Maureen naman ang tinanong namin kung masaya siya sa GMA-7.



"Oo naman!" mabilis niyang tugon. "Kasi, kung hindi, wala na ako rito. Inaalagaan ako sa shows dito, sa exposures. Lagi akong may guestings aside from my regular shows like Bubble Gang, Kamandag, SOP, and twice a month, nasa Unang Hirit ako. Kaya, ano pa ba ang hahanapin ko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Lahat ng shows ko, may kanya-kanyang contract sa GMA-7. Kaya nakakatiyak din ako kahit paano na hindi ako basta tsutsugihin. Hindi ako nawawalan ng trabaho, kaya mahirap isipin pa yung kailangang lumipat ako," nangingiting pahayag ni Maureen.



Pero maiisip kaya niyang iwan ang Bubble Gang, if ever na magkaroon ng ibang opportunities and she has to make a choice?



"Mahirap kasing gawin," sabi ng sexy actress. "Masaya sa Bubble Gang. You will really look forward to each taping day. At saka mababait yung mga kasama ko rito. Isang malaking pamilya na kami rito kung tutuusin. Through thick and thin, subok na ang samahan namin doon. At hindi lang naman siguro pera-pera lang 'yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN