Patrick Garcia bravely facing the music

"Every day, I'll try to be a better person for you and for the baby.Although it came to us so fast, I think we did the right decision ofnot hiding it and being proud of it and I'll never leave you. I'llalways stay by your side," says Patrick Garcia to girlfriend Jennylyn Mercado (inset).



Sa kauna-unahang pagkakataon ay humarap sa publiko ang young actor na si Patrick Garcia nang live upang harapin ang mga katanungang bumabalot sa likod ng pagbubuntis ng kanyang girlfriend na si Jennylyn Mercado. Nag-guest si Patrick sa Showbiz Central kahapon, January 6, dalawang araw pagkatapos nilang umamin ni Jennylyn na buntis nga ang young actress.

Bago sumalang sa hot seat si Patrick ay ipinalabas muna ang VTR ng panayam ng Showbiz Central sa tumatayong mga magulang ni Jennylyn na sina Roger and Lydia Mercado. Aminado ang mag-asawa na nabigla sila sa pangyayari at nanghinayang sila sa kinabukasan ng kanilang anak.

Sinabi pa ni Mommy Lydia na nagalit siya kay Patrick dahil hindi sila nag-ingat ni Jennylyn. Pero idinagdag din ng ina-inahan ng young actress na humanga siya Patrick dahil pinanagutan nito ang kanyang responsibilidad kay Jennylyn.

Tinanong ng co-host na si Pia Guanio si Patrick kung nagkausap na ba sila ng mga magulang ni Jennylyn. Sinabi ng young actor na nagkausap na sila at naging maayos naman ang lahat.

"Nagkausap na kami yesterday or two days ago," sabi ni Patrick. "It's a short talk but in the end of the conversation, nagyakapan kami. There are tears in our eyes. For me, I appreciate it. Kumbaga, parang gumaan ang loob ko na nagkausap kami.

Ibinilin daw ni Mommy Lydia kay Patrick na alagaan nang mabuti si Jennylyn, samantalang si Daddy Roger naman ay pinaalalahanan siyang huwag makipag-away sa kasintahan, lalo na sa maselang kalagayan niya ngayon.

"When I spoke to them it wasn't that heavy naman. It was light na," banggit ni Patrick.

Sa partido naman ni Patrick, sinabi ng 26-year-old actor na excited ang kanyang ama sa pagbubuntis ni Jennylyn at suportado rin daw siya ng kanyang ina.

WEDDING IS NOT A PRIORITY. Gaya ng alam na ng lahat, hindi pinayagan ng huwes sina Patrick at Jennylyn na magpakasal agad, pagkatapos silang paalalahanan ng judge ng mga dapat nilang ikunsidera bago magdesisyong magpakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon naman kay Patrick, hindi raw nila priority ngayon ang pagpapakasal. Aniya, "Ang priority namin is to take care of the baby and take care of Jen."

Dagdag pa ni Patrick, "My sister [Cheska] is getting married also.

Nakatakdang ikasal si Cheska Garcia sa basketbolistang si Doug Kramer sa October this year. May kasabihan na hindi puwedeng magpakasal ang dalawang magkapatid sa loob ng isang taon o ang tinatawag nilang sukob.

EXPECTANT DAD. Nang tanungin siya kung anong klaseng paghahanda ang ginagawa niya para sa bago niyang responsibilidad bilang ama, sinabi ni Patrick na marami siyang pinaghahandaan at inamin niyang: "I have to be matured."

Bagama't buntis na si Jennylyn, sinabi ni Patrick na hindi pa rin sila nagsasama sa iisang bubong. Sa bahay ng mga magulang ni Jennylyn nakatira ngayon ang young actress at binibisita na lamang ni Patrick ang kasintahan halos araw-araw.

Dahil din sa pagbubuntis ni Jennylyn, sinabi ni Patrick na nagkakaroon ito ng mood swings.



"'Yung mood swings ni Jen...inaaway ako minsan kahit walang dahilan [biglang iiyak]. Pero siyempre, mas hahabaan ko yung pasensiya ko. Mas dapat intindihin ko yung situwasyon niya," lahad ni Patrick.

SHOWBIZ CAREER. Aminado si Patrick na ang biglaang pagbubuntis ni Jennylyn ay nakaapekto sa kanilang showbiz careers. Nakapag-taping na nga sila para sa bagong afternoon soap opera ng GMA-7 na Maging Akin Ka Lamang, pero kinailangan silang palitan nina Polo Ravales at Nadine Samonte dahil sa maselang kalagayan ni Jennylyn.



"I feel bad about it. First lead role ko dito sa GMA 'tapos nawala pa. I feel bad about it," pag-amin ni Patrick, pero idinagdag niyang may isa pa siyang show na gagawin sa Kapuso network, ang primetime soap opera na Babangon Ako't Dudurugin Kita, kasama sina Yasmien Kurdi at JC de Vera.

Nagbigay rin ng pahayag si Patrick tungkol sa pangangamba ng mga magulang ni Jennylyn na hindi na matupad ang mga pangarap ng young actress dahil sa biglaan niyang pagbubuntis, lalo pa't si Jennylyn ang tumatayong breadwinner ng kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Well, in life there're always ups and downs, of course," sabi ni Patrick. "I could say promises and everything, but siguro magtiwala lang tayo sa Diyos and prayers. Let us just work together, hand in hand, and maybe malalampasan namin lahat ng problema."

Idinagdag din ng expectant father na pinatatag ng situwasyon nila ngayon ni Jennylyn ang kanilang relasyon.



"Mas lalong tumibay [ang relationship namin]. Araw-araw kinakabahan ako. Mas lalong lumalim ang pag-iisip ko about our relationship and getting excited na rin whether it is a boy or a girl," pahayag ni Patrick.

Nang tanungin kung magiging anong klaseng ama siya, sinabi ni Patrick na: "I don't know. Hopefully a good one because I think nobody can ever say they are prepared to be a father unless they are there. So me, I'm not ready but I'm getting prepared."

JENNYLYN'S MOOD SWINGS. Nakausap din ng Showbiz Central sa pamamagitan ng phone-patch interview si Jennylyn. Binanggit ng young actress ang mga pagbabagong nangyayari sa kanyang katawan sanhi ng kanyang pagbubuntis.



"Marami, sobrang dami!" bulalas niya. "Kagabi, hindi ako pinapatulog ng sakit ng tiyan ko ‘tapos lahat ng parts ng tiyan ko, sumasakit-lower part, upper part, pati likod sumasakit na. Ang pangit ng feeling, umiiyak ka nang walang dahilan."

Sa kabila ng mga nararamdaman niya ay sinabi ni Jennylyn kung gaano siya ka-proud kay Patrick dahil hindi siya iniwanan nito sa pagharap sa bagong pagsubok na ito sa kanilang relasyon.



"Siyempre, proud ako kay Pat," sambit ni Jennylyn, na six-weeks pregnant na ngayon. "Yung pagiging responsible, napakita niya sa akin. Na-prove niya naman na gagawin niya lahat and siyempre, mahirap mag-adjust. Alam ko yun dahil pati ako nahihirapan mag-adjust. Pero sana makaya namin. Sana malusutan naming lahat ‘yan."

Nagbigay rin ng kanyang mensahe si Jennylyn para sa ama ng kanyang anak:

"Sana huwag siya magsawa and magbago. Sana habaan niya pa yung patience n'ya sa akin, lalo na sa kundisyon ko ngayon, ang hirap ko talagang intindihin. Promise ko sa kanya that I will take care of the baby, and siyempre myself din. Kailangan ko alagaan ang sarili ko at siya. Hindi ko pababayaan ang relationship namin and lagi ako nandito para sa kanya," pahayag ni Jennylyn na halata sa kanyang boses na naiiyak na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Love na love ko siya."

Samantala, tiniyak din ni Jennylyn na hindi niya iiwan ang kanyang mga magulang sa kabila ng nangyari sa kanya.

"Nandito lang ako para sa kanila, hindi ko naman sila iiwan. Dumating lang talaga yung time na merong ups and downs. Hindi pa rin ako nawawalan ng strength, lalo na kay God kasi alam ko hindi Niya kami pababayaan," sabi niya.

Nang hingan naman ng hosts ng message si Patrick para kay Jennylyn, ito ang sinabi ng young actor: "I'm always here for you. Every day, I'll try to be a better person for you and for the baby. Although it came to us so fast, I think we did the right decision of not hiding it and being proud of it and I'll never leave you. I'll always stay by your side."

Bilang panghuli, ipinangako ni Jennylyn sa kanyang fans na babalikan niya ang kanyang showbiz career pagkatapos niyang manganak.



"Promise ko sa kanila na after giving birth sana makabalik ako and gusto ko magpasalamat sa lahat ng support nila sa akin, inspiring messages. Kasi talagang yung mga messages nila for me, sobrang nakakatuwa, nakakagaan ng loob. Parang very hopeful pa rin sila na makita ako and sana makasama ko sila at makabalik ako and huwag sila mag-alala. Sana ‘pag nagkaroon ng chance makabalik ulit ako and makita ulit nila ako sa TV," pahayag ni Jennylyn.

Additional report from GMA News


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN