Parents of Jennylyn Mercado saddened by her early pregnancy

Young actor Patrick Garcia (inset) says he has already talked to theparents of girlfriend Jennylyn Mercado. In fact, he describes the conversation as, "A short talk but at the end ofthe conversation, nagyakapan kami and there are tears nga, e. And for me, I appreciate it, kumbaga, paranggumaan ang loob ko na nagkausap kami."


Tuluyan nang nag-iba ang isipan ng magkasintahang JennylynMercado at Patrick Garcia na magpakasal matapos ang kanilang counseling saMakati Cith Hall noong Huwebes, January 3.

Matatandaan na noong Enero 3 ay nalaman ng publiko na mahigitanim na linggong buntis na ang girlfriend ni Patrick na si Jennylyn. Kaugnay nito, nagtungo ang magkasintahan sa huwes upang humingi ng payo sa ukol sa pagpapakasal.

Ngunit matapos nito ay nagbago ang isip ng magkasintahan atsinabi na hindi na muna sila magpapakasal, ngunit itutuloy nila ang pagbubuntisni Jennylyn.

Sa taped interview ng StarTalk noong Sabado, January5, naikuwento ni Patrick na matapos ang counseling ay naisip niya na: "Siyempre, it'svery easy to get married. Napakadali lang niyan. Pero siyempre, we have to beready emotionally, physically, and siyempre, financially. Siyempre, gusto kongpanagutan yung nagawa ko. Pero, first and foremost, pinaka-importante, yun siJen at yung magiging baby namin."

Ayon kay Judge Selma Palacio-Alaras, ang judge na pinuntahanng magkasintahan upang magpakasal sana, pinayuhan niya ang magkasintahan nahuwag maging padalus-dalos sa pagpapakasal.

Paliwanag ni Judge Palacio-Alaras, "Sabi ko sa kanila, determine your priorities. Gusto ba nila magpakasal or ang priority ba nila ayisa't isa or yung baby. So they have decided na marriage can wait.

"Mayroon po kasing bagong administrative order ang SupremeCourt na all conducts of civil marriage must be raffled. So anybody who wants amarriage celebrated by a judge would have to go by a raffle system. So, theycannot just pick whoever judge they want. Kasi ang mangyayari, ira-raffle saisang judge and then you decide what date you want. So, they cannot just comehere and get married. So, imposible na ikinasal sila ngayon."

PATRICK'S MOM. Tulad ng ibang magulang, nagulat din ang ina ni Patrick na siMrs. Bing Garcia nang malaman niyang buntis ang girlfriend ng kanyang anak. Gayunman, tanggap naman niya ang kapalarangito ng kanyang anak.

Sa katunayan, aniya, "Hindi ko nga alam kung excited ako ohindi. Kasi nakita ko, ang dami kasing aabalahin. Ang daming aasikasuhin. Kayasabi ko, ‘Ano ba yun? Hindi ko pa ma-feel yung excitement.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabilang banda, tila pabor naman kay Mommy Bing ang nagingdesisyon nina Patrick at Jennylyn na di muna ituloy ang kasal. Paliwanag niya, "Definitely, walang kasalanthis year. Siyempre, unfair naman para sa boyfriend ni Cheska [Garcia, Patrick's elder sister]. You know theyprepared for it. They have the one whole year going around fixing everythingpagkatapos biglang mauunahan pa."

Dahil sa naunsyaming planong pagpapakasal, naglabasan tuloyang balita na baka mag-live-in na lamang sina Patrick at Jennylyn—bagay napinabulaanan ng ina ni Patrick.

Aniya, "Palagay ko, hindi. Kasi we're gonna provide forher [Jennylyn]—her own place and everything. Pero I don't think na they're gonna live-in.Pero if she needs company or she need to come to the house. 'Tapos yung mgaganyan. Siyempre, in that delicate stage, we will be there. Pero everythingelse will be provided for.

"Ngayon, I think focus muna nila yung sababy. And si Patrick naman, more na sa career niya. At saka meron na siyangbagong responsibility. And then siguro, they'll just think of marriage whenthey're ready."


MOMMY LYDIA AND DADDY ROGER IN TEARS. Sa balitang pagbubuntis ni Jennylyn,unang-unang naapektuhan ang kanyang adoptive parents na sina Mommy Lydia atDaddy Roger. Sa katunayan, napaiyak paang dalawa ng sa kanilang interview sa StarTalk noong Sabado.

Ayon kay Mommy Lydia, noong una ay hindi talaga siya paborsa pagpapakasal nina Jennylyn at Patrick, lalo na sa kanilang relasyon. Ngunit nag-iba diumano ito nang panindigan niPatrick ang pagbubuntis ni Jennylyn.

Kuwento ni Mommy Lydia, "Sa totoo, dati talaga, dahil samga negative [issues] tungkol kay Patrick... Pero sa ginawa Patrick ngayon, napinanindigan niya, naging lalaki siya para kay Jennylyn... Tuwang-tuwa ako at maligaya ako. Kaya Patrick, mahal nakita. At mahalin mo ang aking anak na si Jennylyn. At alam ko naman na kunggaano mo siya kamahal kaya maging maligaya kayo."

Hindi naman naiwasan ni Daddy Roger ang pagkadismaya sanangyari sa kanyang dalagang anak. Malungkot na sinabi ni Daddy Roger, "Ako,may sama ng loob kasi bata pa sila na lumagay ng ganyan. Ang ano ko nga lang,e, iniyakan ko na lang. Yun na nga lang, masaya ka naman. Gusto nila ng ganyan,e, di wala tayong magagawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang mga magulang, ibinigay rin nina Mommy Lydia at Daddy Rogerang kanilang pagsuporta sa kanilang dalagang si Jennylyn. Kasabay nito ay ang pagbibigay payo nila samagkasintahan.

"Nandiyan na 'yan. Wala akong magawa, kung hindi payuhan sila na magmahalan sila ng mabuti.Mahalin ni Patrick si Jen. At si Jennylyn, ganoon din. At magsama sila ng mabuti. At mahalin nilayung kanilang anak," paalala ni Mommy Lydia.

Samantala, nagpasalamat naman si Mommy Lydia sa patuloy napagsuporta ng GMA Network sa kanyang anak sa kabila ng biglaang pagbubuntisniya.

Matatandaan na magtatambal sana sina Jennylyn at Patrick sa teledrama sa hapon naMaging Akin Ka Lamang ngunit hindi na ito matutuloy dahil sa maselangpagbubuntis ni Jennylyn. Gayunman,nangako ang GMA Network na hindi nila pababayaan ang first Ultimate FemaleSurvivor ng StarStruck.

"Nagpapasalamat ako saGMA. Kay Ms. Wilma Galvante, kay Ms. Annette Gozon, si Ida Henares... Kasi ang sabinila hindi nila pababayaan si Jen. Maraming salamat," pahayag ng ina ni Jennylyn.

Huling pakiusap pa ni Mommy Lydia, "Kung mayroon nga silangmaibigay kay Jen, e, yung kahit na magaan lang na role, yung hindi mabigat,kasi siyempre alam niyo naman yung situwasyon namin. Breadwinner namin si Jen.Malaking pagpapasalamat ko sa GMA na sana mabigyan si Jen. Mga guesting o kayakung anuman ang maisip nila para kay Jen."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN