Jinggoy Estrada happy for his first acting award

Jinggoy Estrada happily shares his Metro Manila Film Festival best-actor trophy to sons Julian (left) and Jolo (right). The actor-senator won for his role in Katas ng Saudi.



Pigil ng konti ang pagpapakita ng labis na kasiyahan ni Jinggoy Estrada nang tanghalin siya bilang Best Actor sa 2007 Metro Manila Film Festival Awards Night para sa pelikulang Katas ng Saudi (direksiyon ni Joey Reyes).



"Masaya tayo dahil na-recognize nila yung effort natin sa pelikula. At the same time, natutuwa tayo dahil pati yung buong pelikula ay kinilala nila. Kaya lang, sana mas marami pang mga kababayan natin ang makapanood ng pinaghirapan namin," lahad ni Jinggoy sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa victory party niya sa Manila Peninsula pagkatapos ng awards night noong madaling-araw ng January 6.



Sa pagkakapanalo niya ng award ay nangangahulugan ba ito na magtutuluy-tuloy na ang paggawa niya ng pelikula?



"Despite sa disappointment ng resulta sa box-office ng Katas ng Saudi, siguro baka puwede pang gumawa ulit ng isa pa tulad nito."



Kinuha na rin namin ang reaksiyon ni Jinggoy sa balitang pagbabalik-pelikula ng kanyang ama na si dating president Joseph Estrada.



"It's a welcome development for the movie industry," sambit niya. "Kahit papaano, magiging masigasig na naman at magiging masaya na naman ang industriya natin. Kailangan naman natin sa ating mga kababayan na tangkilikin ang sariling atin para sa pelikulang Pilipino."

Sa labis na kasiyahan, dumiretso si Jinggoy sa kanyang ama sa Polk St. sa San Juan pagkagaling sa SMX Convention Center sa Mall of Asia. Ipinakita muna ni Jinggoy ang kanyang tropeyo kay Erap at saka bumalik ng Makati para sa maliit na selebrasyon niya sa Manila Pen.



"For the first time, siya [Erap] naman ang nagpa-picture sa akin," proud at natutuwang kuwento ni Jinggoy. "'Tsaka naiba naman dahil siya ang nakipagkamay sa akin. Palagi ako, e."



Nag-imbita rin daw si Erap kay Jinggoy na doon na gawin ang selebrasyon sa kanyang bahay sa San Juan.



"Nung magpapaalam na ako dahil pupunta pa ako rito [Manila Pen], nag-suggest siya na doon na gawin ang celebration," lahad ni Jinggoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang plano niya sa kanyang nakuhang tropeyo?



"Idi-display sa Senado," nangingiting sabi ng senador.



Tuwang-tuwa rin sa pagwawagi ni Jinggoy ang dalawang anak niya na sina Jolo at Julian, na lumabas din sa Katas ng Saudi as his first screen appearance.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN