AGB Nielsen willing to sit down and talk with ABS-CBN about ratings dispute

AGB Nielsen Media Reseach plans to talkprivately with ABS-CBN to resolve the issue about the alleged anomaly in TVratings.


Sa pagkaka-dismiss ng kaso ng ABS-CBN laban sa AGB NielsenMedia Research ukol sa diumano'y dayaan ng ratings, nagpahayag ang survey firm na makikipag-usap ito sa pamunuan ng Kapamilya network upang maresolba na ang isyu sa pagitan nila.

Sa panayam ng Saksi sa abogado ng AGB Nielsen na si Atty. Francisco Rivera, sinabi niya na:"We would be inviting ABS-CBN to really discuss this matter with us in the hopethat we would no longer be involving the courts in resolving this matter."

Kahapon, January 7, ay nagdesisyon si Judge Charito Gonzales ng QuezonCity Regional Trial Court na i-dismiss ang kaso na isinampa ng ABS-CBN laban sa AGB Nielsen noong December 14 dahil wala raw sa tamangpanahon ang pagsasampa nito.

Gayundin, kinatigan ng korte ang AGB Nielsen sa paglalahadnito na nakasaad sa kanilang kontrata na kung may kuwestiyon ang ABS-CBN saratings, may isang buwan ang AGB Nielsen upang magbigay ng paliwanag ukoldito. May karagdagang tatlong buwan din upang mag-usap ang magkabilang panig nang hindi isinasapubliko.

Paliwanag ni Atty. Rivera, "The filing of the case ispremature and ABS-CBN should have first afforded our client the opportunity tocome up with their written explanation and afterwards, discuss it amongthemselves. That's the step that's required under the agreement thatthe court intervention, early on, is entirely unjustifiable."

Sa kabilang banda, nilinaw naman ng chief legal consel ngABS-CBN na si Atty. Maximilian Uy na sinunod nila ang 30 araw na nakasaad sakanilang kontrata. Hindi lamangnagkaroon ng paglilinaw nang mag-usap ang dalawang partido matapos ang unangkundisyong ito.

Ayon kay Atty. Uy, "May pinag-uusapan doon na may 30 araw na sumagot angAGB sa sulat ng ABS-CBN. Ito namansinagot ng AGB. So yung unang bahagi ngkundisyon ng kontrata, e, nasunod na. Yung tungkol sa 90 araw na maaaring mag-usap ang mga partido,hindi nakapag-usap in good faith."

Samantala, binigyan naman ng QC RTC Branch 92 ng labing-limang araw ang mga opisyales at empleyado ng ABS-CBN na kinasuhan ng GMA networkhinggil pa rin sa anomalya diumano sa ratings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinaalalahanan din ng korte ang mga nakasuhan na iwasan angpagsasampa ng motion to dismiss, sa halip ay sagutin na lamang ang mgaalegasyon sa kanila.

Matatandaan na lumabas sa ilang ulat ng ABS-CBN na inamindiumano ng General Manager ng AGB Nielsen na si Maya Reforma na ang GMA-7 ang nasa likod ng anomalya sa ratings sa Bacolod. Nirereklamo rin ng GMA network ang diumano'ypagputol at pagbaluktot ng ABS-CBN sa mga pahayag ni Reforma upang mapalabas naitinuro niya ang GMA network na sangkot sa pandaraya sa TV ratings.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN