Kris Aquino can use the presidential chopper, says Malacañang

Apr 21, 2016
<p>"Members of the President's immediate family are allowed to ride with him in official government vehicles," says Communications Secretary Herminio Coloma Jr. explaining viral "chopper photos" of Kris Aquino.</p>

Walang mali sa paggamit ni Kris Aquino ng presidential chopper dahil miyembro siya ng First Family.

Ito ay ayon sa inilabas na official statement ng Malacañang kaugnay ng naging viral photos ni Kris kahapon, April 20.

Sa naturang mga larawan, makikita ang bunsong kapatid ni President Benigno “PNoy” Aquino III na naging lulan ng presidential chopper.

Noong una, inakala ng netizens na ang presidential chopper ang ginamit ni Kris para pumunta sa campaign sortie ng Liberal Party sa Cebu.

Read: Kris Aquino heavily criticized for allegedly using presidential choppers at LP sortie

Subalit ayon sa lumabas na ulat sa website ng Pangulo, kasama ni PNoy si Kris sa ginanap na inauguration ng 59-megawatt Solar Power Plant sa San Carlos City, Negros Occidental.

Read: Did Kris Aquino really use presidential chopper for LP campaign sortie?

Pahayag ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr.: “Members of the President's immediate family are allowed to ride with him in official government vehicles.”

Continue reading below ↓

Sa nailathalang artikulo sa memebuster.net, ipinakita rito ang larawan ng mga taong gumamit ng presidential chopper papunta sa nasabing inauguration:

“Below is a picture taken in the landing zone in San Carlos Economic Zone. And these are the people who took the choppers.”

Nakasaad din dito na, “From San Carlos, the choppers flew to Dalaguete and then the LP traveled on road to Argao, Cebu.”

Continue reading below ↓

Samantala, nananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag mula kay Kris Aquino tungkol sa isyung ito.

Read Next
Read More Stories About
Kris Aquino, Liberal Party
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>"Members of the President's immediate family are allowed to ride with him in official government vehicles," says Communications Secretary Herminio Coloma Jr. explaining viral "chopper photos" of Kris Aquino.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results