AGB Nielsen petitions court to sanction ABS-CBN for contempt

AGB Nielsen says ABS-CBN not only gaveinaccurate details about the Temporary Restraining Order (TRO) to vilify them but alsoto gain sympathy from the public.


Nagsampa ng reklamo ang AGB Nielsen Media Research sa kortekahapon, Janaury 9, ukol sa umano'y maling pag-uulat ng ABS-CBN kaugnay ng manipulasyon diumano ngTV ratings.

Ayon sa petisyon ng AGB Nielsen na iniulat ng GMA News,sinadya raw ng ABS-CBN na bigyan ng ibang interpretasyon ang TemporaryRestraining Order (TRO) na inilabas ng korte noong December 20, 2007. Sa mga ulat ng ABS-CBN, lumalabas na sinuway raw ng AGB Nielsen ang TRO dahil patuloy itong nagpapalabas ng TV ratings.

Nakasulat pa sa petisyon, "Not content with itsmisinterpretation, respondent went on to accuse the petitioner [AGB Nielsen] ofhaving violated the terms of the Order. The accusation was made in its programs Bandila and The Buzzwhich aired on 21 December 2007 and 23 December 2007, respectively."

Sinabi ng AGB Nielsen na mali ang iniulat ng ABS-CBN napinahihinto raw ng korte ang pangangalap nila ng ratings sa buongbansa. Bagkus, ang pinahihinto lamangng korte ay ang pangangalap ng data mula sa mga "corrupted home panels" sa Bacolod.

Ayon sa petisyon ng AGB Nielsen, "Respondent's [ABS-CBN]graphics omitted the key qualifying phrase 'from corrupted home panels' fromthe Order."

Dahil dito, hiniling ng AGB Nielsen na i-contempt ng korte ang ABS-CBN at patawan ng kaukulang parusa.

"Instead of being accurate in its reporting, respondent[ABS-CBN] abused its clout as a broadcaster to engage in an intense mediacampaign to vilify petitioner [AGB Nielsen] and gain public sympathy for itscause, evidently to advance its private interest as a litigant," saad ngAGB Nielsen sa kanilang petisyon.

Sa huli, sinabi rin ng AGB Nielsen na tulad ng mgamamamahayag ng ABS-CBN, hindi dapat itago ng network ang mahahalagangimpormasyon at hindi rin dapat baluktutin ang katotohanan.

Sa ngayon, hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang ABS-CBN network hinggil sa naturang reklamo ng AGB Nielsen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN