Mark Herras denies reported link with Rhian Ramos's sister

After news came out that Mark Herras split up with dancer Lian Paz (inset, top), he is now being linked to the elder sister of his My Only Love co-star Rhian Ramos (inset, middle). Mark also dismisses malicious report about the pregnancy of ex-girlfriend Jennylyn Mercado (inset, bottom).



Pagkatapos ng sampung buwan bilang mag-steady, naghiwalay na nga sina Mark Herras at ang EB Babe member na si Lian Paz. Ayaw pang magsalita noon ni Mark ng dahilan ng kanilang breakup at ang unang inirason sa amin ng binata ay lack of time daw.

Ngunit dahil ang mga manunulat na malapit sa manager ni Mark na si Lolit Solis ang nagbubuko ng ilang mga hidden reasons ng paghihiwalay nila ni Lian, saka pa lang nagsalita si Mark sa amin.

Una na nga ang sinasabing basketball player daw na third party. Bagama't inamin ni Mark sa amin noong una that there was indeed an issue about this, hindi niya pa rin sinagot sa amin kung sino ang sinasabing basketball player na balitang taga-PBA (Philippine Basketball Association).

Kamakailan, may lumabas na panibagong third party on Lian's side again—a model naman this time.

Kagabi, January 9, nagkita kami muli ni Mark sa Station 168 Internet Café sa Tomas Morato at ito ang tinanong namin sa kanya. Bagama't nag-confirm uli si Mark about this, hindi na naman siya nagbigay ng detalye dahil ayon na rin sa kanya, napakaraming issues talaga ng paghihiwalayan nila at ayaw niya na lang magsalita dahil nakakahiya kay Lian.

"Tapos na rin naman po kasi yun, so huwag na lang pag-usapan para hindi na lumaki," katuwiran ni Mark.

Huwebes, January 10, isang tabloid naman ang nagbalita na may third party rin daw sa side ni Mark, ang kapatid ni Rhian Ramos na si Nadine. Diumano, may nakakita sa kanila na kumakain sa Bi-Won, a Korean restaurant sa may BF Homes Parañaque where the Ramoses live nearby.

Ang inakala raw ng writer na sumulat tungkol sa issue, si Rhian ang kasama ni Mark. Pero hindi pala, kundi ang nakatatandang kapatid daw ng co-star niya sa My Only Love.

Nag-text message kami pareho kina Mark at Rhian about this. Iisa ang sagot nila sa first question namin: hindi pa raw nagmi-meet nang personal, or even informally, sina Mark at Nadine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko pa nga po nami-meet yung sis ni Rhian, e," sagot ni Mark.

Si Rhian naman, ‘Nope, I don't think they've met yet. Where'd you hear that?"

Nang tanungin naman namin si Mark kung may isinama na ba siyang girl sa said restaurant, ito ang sagot niya: "Di ko nga po alam yung place na yun, e."

Nang kay Rhian namin itinanong kung alam niya ang restaurant, she confirmed she does. Pero may pasubali siya sa sinasabing date ng Ate niya at ng co-star niya.

"Kalokohan ‘yan, ha ha! Nakita kasi nila siguro na nag-post yung owner ng restaurant. Nag-thank you sa akin last year for visiting his restaurant. But we haven't been there in like, fourteen months. Plus, why would Mark be in BF? They kept mentioning Bi-Won, feeling yata nila regular yung family ko doon," paliwanag ni Rhian.

"Too anti-showbiz" din daw ang kanyang Ate to even visit her sa set, so no chance pa for her sister to meet her co-star.

"It takes a lot to force her to see me at work. But, yeah, ask Mark just in case," huling text ni Rhian dahil hindi niya alam na sabay namin silang tini-text ni Mark about the issue.

Dahil nasa third party na rin naman kami, sinubukan naming kunin ang reaksiyon ni Mark sa malisyosong balita na "nasulutan" niya raw si Patrick Garcia kay Jennylyn Mercado dahil may mga fans kuno na nagtatanong kung kanino bang anak ang ipinagbubuntis ni Jennylyn.

"Ha ha ha, pasaway nga, e. Bakit hindi na lang nila patahimikin yung dalawa? Kawawa naman," sabi niya sa text.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN