Ryan and Judy Ann fly to U.S. for "Sakal, Sakali, Saklolo" screening

Ryan Agoncillo on the comment of Senator Aquilino Pimentel regarding Sakal, Sakali, Saklolo: "And I think Senator Pimentelcould have made better comment, have you watched the movie. Siguro by now, kungnapanood na niya, I think medyo mag-iiba ang pananaw niya because kami, maramikaming kasama sa bahay na Bisaya. Marami kaming kaibigan na Visayans andnone of them had negative comment. Yun lang.Siguro unfortunate lang yung nangyari, but we have nothing again


Umalis kagabi ang magkasintahangsina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos para sa U.S. screening ng top-grossing movie sa katatapos na 2007 Metro Manila FilmFestival, ang Sakal, Sakali, Saklolo ng Star Cinema. Three days ago ayumabot na sa P120 million ang kinita sa takilya ng sequel sa successful firstmovie team-up nina Ryan at Juday na Kasal, Kasali, Kasalo.

Hindi inaasahan ni Ryan na magigingtop grosser muli ang kanilang pelikula sa MMFF. Natuwa rin siya na nakita ngmga tao ang kaibahan ng KKK at SSS.

Aniya, "From what we've heard sa mgareactions, kasi ang ganda ng naging reaskyon ng mga tao. Basically, sa mallkapag nagdi-dinner kami, may lumalapit sabi, ‘Ay, ang ganda ang pelikula ninyo.' Yung KKK yun. 'Tapos ano...ang ganda sana...kaya kami kinabahan nagumawa ng sequel kasi baka mamaya sabihin naman nila ma-disappoint kayo saprodukto.

"Ah, ang kaibahan ngayon, peopleactually treated it as a different movie. Hanggang ngayon, may mga lumalapit parin at sinasabi nila na mas gusto nila ang KKK. Pero marami rin angnagsasabi na gusto rin nila ang SSS.It's very nice because nagkaroon ng dalawang magkaibang produkto. Kumbaga,independent yung SSS and hindi kami yung tipo na inulit lang dahil pumatok last year. And ah,I think it just goes to say na maganda talaga ang pagkakagawa ni Direk Joey sapelikula and we were just so very happy."

At ngayon pa lang, marami na angnagtatanong kung magkakaroon ng part 3 ang tambalan nila ni Juday sa StarCinema sa Metro Manila Film Festival sa taong 2008.

"Yung part 3, depende saavailability ni Bronson [anak ng tatay ni Juday sa ibang babae sa pelikula].Hahaha!" biro ng actor-host.

Sa unang presscon pa lang ng Sakal,Sakali, Saklolo ay matigas na si Direk Joey sa pagsabi na ayaw na niyanggumawa ng part 3. Ano sa tingin ni Ryan?

"Well, you know, yung KKK at the endof screening nung nagro-roll yung credits, si Tita Malou Santos [Star Cinema'sManaging Director], lumapit agad. Sabi niya, gusto niya ng part 2. Ganun dinyung nangyari at the end of screening ng SSS. Sabi niya, she wants to doa part 3. So, sa ngayon, usap-usapan pa rin siya and, ah, marami acturally nganagsasabi na puwedeng puwede pa talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I mean, I'veread some columns na sabi nila gusto nila ng part 3. Marami rin akongnare-receive na comments from prints na sinasabing puwede pa, e, kayasiguro paghahandaang mabuti, if ever.‘Enjoy-in muna namin siguro yung twin success ng KKK and SSS. Kasisa totoo lang, hindi pa rin ako nakaka-recover from the success of KKKand yung SSS. Ini-enjoy pa lang namin, so, kung magkakaroon ng part 3,ano na kaya ang magiging title noon?"

NEXT PROJECT WITH JUDAY. Ano na ang susunod na projects nilani Juday after Sakal, Sakali, Saklolo at ang magtatapos na teleserye nila sa ABS-CBN na Ysabella?

"As far as I know, ang next projectnamin ni Juday for TV... ang management's call is to really separate our careersas far as TV is concerned. Yun yung sa ngayon. Pero sa pelikula, meron kamingnaka-line up na projects na it involves Judy Ann, ako, and Direk Joey as wellsa Regal. Ang alam ko, hindi siya MMFF entry pero I'm not sure when it's gonnahappen if it's early this year or later part of the year," sagot ng binata.

Nang tanungin siya kung kelan kayagagawin ang third series ng KKK, heto ang sagot niya, "Sabi ni Ms.Malou, if ever na gagawa ng third installment ng Kasal series it won'tbe for this year. Baka ipahinga lang ng isang taon and then babalik kungsakaling gagawa. And sabi niya, it might be shot...she's considering theshooting daw the entire film in the States for the third installment."

Pero siyempre, maari pa raw magbago ang mga plano.

SSS, ANTI-BISAYA? Nang usisain naman siya tungkol sa reaksyon ng ilangpulitiko, kabilang na si Senator Aquilino Pimentel, na ‘di nagustuhan angdiumano'y panlalait ng pelikula sa mga Bisaya:

"Alam mo, nagulat ako because nungnabasa ko yung mga lumabas...nabasa ko yung comment ni Senator Pimentel, ah,and, I read in some part of the interview not being able to watch. Kasiang nabasa ko lang yung interview niSentor Pimentel and he admitted not seeing it [the movie] as of press time nungininterbyu siya noon, and he cited yung mga lines. He quoted people who textedhim, and it's just sad. I think that he was able to make a comment na sa tinginko, e, misinformed lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I have nothing against the Senator.He's a good man but I think it's just sad that he made a misinformed commentbecause ako mismo is very sensitive with those things, e. Kasi ako, Batangueñoako, e. Ang daming nanlalait din sa amin. But I don't think at any point, DirekJoey intended to offend them," paliwanag ni Ryan.

Naikuwento ni Ryan yung parte sapelikula na naka-offend daw sa ilang mga Bisaya.

"Ang argument kasi, sabi ni GloriaDiaz [o] Mommy Charito, ‘Bakit mo hinahayaang mag-Bisaya?' which I think is anatural comment of a mom who belongs to a family that naturally are not Bisaya,‘di ba? So, 'bakit mo pinapayagan?' Pero idinipensa ni Angie [Judy Ann]. Sabiniya, ‘Hindi po, Mommy. Hindi dapat English. Dapat po, Tagalog.' Pertaining totheir being Tagalog, kasi Tagalog sina Jed at Angie, e. Pero at no point in themovie na binawalan ni Angie na mag-Bisaya ang anak niya. Till the end,nagbi-Bisaya si Rafael, nobody made a comment," ang sabi pa niya.

WEDDING BELLS? Baon sa pag-alis nina Ryan at Judayang pagdududa na baka magpakasal na sila sa kanilang trip sa U.S.

"Huwag na, may divorce doon, e,"ngiti ni Ryan. "Nag-e-enjoy pa kami. Alam mo, para sa amin, bata pa yungrelationship. Wala kaming anibersaryo. Wala kaming theme song. Only lastweekend [treat nila for Christmas sa anak na si Yohan sa Ocean Adventure saSubic], doon kami masayang-masaya. Lahat ng nagastos doon was worth it becausewe actually discovered our theme song. Hahaha!

"Ang bata, ‘di ba? Parang hindikami magte-trenta na! Tuwang-tuwa kami sa song na, ‘I Melt With You' ni JasonMraz. Yung reggae version from the soundtrack of 50 First Dates. It getsairtime sa radio hanggang ngayon.

"Ganyan kabata yung relationship namin na evenon our third year, tuwang-tuwa kami that we finally discovered our theme song.Kasi after a successful weekend, we were listening to music, biglang lumabasyung song na ‘yon and we decided na kung ano yung theme song namin. So, satheme song pa lang kami. Yung date sa kasal, darating din tayo dyan," sabaytawa ulit ni Ryan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHRISTMAS GIFT. Naging usap-usapan din angannouncement nina Ryan at Juday kung ano ang Christmas gift nila sa isa't isaduring the presscon cum victory party ng Star Cinema parasa Sakal, Sakali,Saklolo.

"Ang regalo ko, kinakarir ko. Siyarin, kinakarir niya. Halimbawa, yung camera dati, hindi lang basta camera.Dapat yung kamerang gusto ko at pangarap ko. Ito ang hindi ko maintindihan. Angsimple lang palang regaluhan ng babae. Sa dami nung mga kinarir kong regalo napa-sweet-sweet pa ako ng pagkakarir ng pagbibigay, may drama-drama pa at eto,binigyan ko lang, doon lang siya naiyak.

"Kinausap ko yung kapatid ko at mgapinsan ko, lahat nung mga misis nila, iisa yung sinasabi, ‘yan nga, yung bag.Kasi, the last few days towards Christmas sabi ko,‘Ayoko namang magbigay ngbag.' Kasi hindi naman kami yun, e. Kasi ‘di ba, hindi naman kami yungma-designer, hindi naman kami ma-label. Kumbaga, yung bag, pandala lang nggamit sa amin. E, yung nagbigay ako ng bag, naiyak siya. Sabi ko, ‘Uy, sadinami-dami ng kinarir kong regalo, eto pa yung ayaw kong ibigay kasinahihiya ako na parang...eto lang? E, eto...pero ang babae pala, ganun talaga‘no," lahad ni Ryan.

Ang tinutukoy na bag ni Ryan na giftniya for Juday ay isang kulay beige na Gucci na worth more than P100,000."Nahihiya pa nga akong ibigay kasi I thought, hindi ko masyadong pinag-isipanyung bag. Yun pala, maiiyak siya. Yun pala ang susi ng kaligayahan ng akingjowa [girlfriend]," natatawang pagtatapos ni Ryan sa aming interbyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN