PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Three more witnesses on ratings anomaly approach ABS-CBN

Witnesses said they do not believe in the TV ratings anymore.
by Nerisa Almo
Published Jan 13, 2008
Witnesses from Cebu, Davao, and Bacolod, whose homes have the AGB Nielsen panels, claim they were offered some grocery items, give-aways, and payment for electric bill just to switch to GMA-7.

Ilan pang mga witnesses ang lumapit sa ABS-CBN upang lumantad din ukol sa diumano'y nangyayaring dayaan sa TV ratings.

Sa TV Patrol kagabi, January 12, ipinakita ang tatlo pang sinasabing testigo na dumulog sa kani-kanilang mga istasyon sa Cebu, Davao, at Iloilo upang ikuwento ang partisipasyon nila sa sinasabing anomalya sa ratings. Subalit nakiusap ang tatlong witness na huwag ipakita ang kanilang mga mukha bilang proteksyon sa kanilang mga pamilya.

"ANNA" IN DAVAO. Ayon sa pahayag ni Anna (hindi tunay na pangalan), October 26 nang makitira siya sa kanyang tiyahin sa Davao. Napansin daw niya na parang may isang maliit na radyong nakakabit sa TV—ang metering device ng AGB Nielsen.

Sinabi raw ng kanyang tiya na kailangan tutukan nila ang kanilang panonood ng GMA bilang kapalit ng grocery items na galing sa nasabing network. Tuwing katapusan daw ng buwan nagpupunta ang isang grupo ng mga babae upang magdala ng grocery items.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento pa Anna sa wikang Bisaya, "May nagpupunta sa amin na malalaking babae, 'tapos sabi ng auntie ko, ‘Ilagay mo sa GMA.' Kuwentuhan sila mga 30 minutes, nagbibigay siya ng mga delata. Pag-alis nila, balik na kami sa [ABS-CBN]. 'Tapos nagtatanong ako, ‘Bakit?' Ganun daw, ‘Yun ang kapalit sa ibinibigay sa atin. 'Nood tayo ng ano nila, GMA.'"

"AUNTIE" FROM ILOILO. Iba naman ang kuwento ni Auntie (hindi tunay na pangalan) na mula sa Iloilo. Kalahati ng pambayad sa kanyang electric bill ang alok ng mga umano'y empleyado ng GMA, kapalit ng panonood niya ng programa sa GMA-7.

Sa wikang Bisaya, sinabi ni Auntie, "'Tapos sabi pa nila, kung lilipat ako sa GMA inalok nila ako ng kalahati ng aking bill sa Panay electric company, sila ang magbabayad. Kung P1,000 ang bill, bibigyan nila ako ng P500 kada buwan 'yan.

"Oo ilang beses sila bumalik dito. Halos kada buwan nagbabalik sila dito para makumbinsi nila ako kasi ayaw ko ng GMA, hindi ko gusto ng GMA. Patuloy silang bumabalik at dinadalhan ako ng groceries at kahit hindi ko tanggapin, iniiwan nila."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinegundahan din ng ikalawang testigo na taga-GMA ang mga nag-alok sa kanya. Aniya, "GMA, kasi mayroon silang ID na pinapakita at may folder din sila. At may pinapapirmahan din sila sa pagbigay nila ng gift. Ang ID may logo talaga ng GMA."

Dagdag pa ni Auntie, nag-iiwan din daw ng give-aways tulad ng payong, tuwalya, at baso ang dalawang tao ng GMA.

WITNESS FROM CEBU. Samantala, kung ang dalawang naunang testigo ay nilapitan ng umano'y nagpakilalang empleyado ng GMA, mga tauhan naman daw ng AGB Nielsen ang nagkumbinsi sa ikatlong witness na mula sa Cebu na magpakabit ng metering device ng AGB Nielsen.

Ayon sa kanya, "Ini-encourage niya kami na subukan ang Siyete, na manood sa GMA. Nag-promise sila na kapag na-install na, bibigyan kami ng appliances at P500 plus monthly. Pero sabi nila, kung puwede karamihan sa panonoorin namin ay GMA talaga."

Dagdag pa ng ikatlong witness, sinita pa niya ang kanyang kakilala sa pagdidikta ng panonooring istasyon dahil dapat daw ay walang pinapanigan ang AGB Nielsen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy pa niyang kuwento sa wikang Bisaya, "Sabi ko sa kanila, ‘Siguro taga-Siyete kayo.' Ang sabi nila, Nielsen daw sila. Ang sabi ko, ‘Klaro na ang style niyo ay inuutusan talaga kayo ng Siyete.' Sabi niya, ‘Hindi. Tingnan mo pa yung papers namin, o, AGB Nielsen.' Sabi ko, ‘Talagang duda ako sa inyo na taga-GMA talaga kayo dahil ini-insist niyo na GMA lang ang panoorin.'"

Dahil sa mga pangyayaring ito, hindi na diumano naniniwala ang mga lumantad na mga witness sa TV ratings.

Ayon kay Mark Dumago, unang witness na pumayag magpakita sa telebisyon noong Biyernes, January 11, "Kami na nga mismo ang ni-hire nila para magmanipula ng ratings, para dayain, at para tumaas ang ratings. Kaya napatunayan ko na kayang-kaya manipulahin ang ratings. Hindi na ako naniniwala sa ratings kasi 'yan, kayang-kaya naman manipulahin ng kahit na sino kapag gugustuhin."

Sinagot kaagad ng GMA-7 ang alegasyon ni Dumago noong araw ding iyon. Kaya bago pa man lumabas ang tatlong diumano'y miyembro ng AGB Nielsen home panels na nabayaran, nauna namang itinanggi ng GMA Network na nag-hire sila ng mga tao upang manipulahin ang ratings sa Bacolod at ibang lugar sa Visayas at Mindanao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinamon rin ni Atty. Felipe Gozon na patunayan na lamang ng mga sinasabing witnesses ang kanilang mga pahayag sa korte upang malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo at sino ang nagbibigay lamang ng malisyosong pahayag.

Read Next
Read More Stories About
AGB Nielsen, ABS-CBN, GMA7
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Witnesses from Cebu, Davao, and Bacolod, whose homes have the AGB Nielsen panels, claim they were offered some grocery items, give-aways, and payment for electric bill just to switch to GMA-7.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results