Sarah Geronimo fears Madam Auring's prediction about her career

When asked about rumors that she will transfer to GMA-7, Sarah Geronimo said she's happy with ABS-CBN.


Natakot ang Popstar na si Sarah Geronimo noong makarating sakanya ang prediksyon ng kilalang manghuhula na si Madam Auring—malalaos raw siyasa taong 2008. Lalong kinabahan si Sarah nang malaman pa niya na nahulaan din ni Madam Auring ang pagbubuntis ni Jennylyn Mercado late last year.

“Uhm, whatever happens, alam ko na lahat ng nangyayari sabuhay ko, kalooban ng Diyos. Basta ako, kailangang i-prepare ang sarili ko kunganuman ang mangyari. I’m doing all of these for my family. Kung malaos man o kungano ang mangyari, okey lang,” ang pahayag ni Sarah sa presscon ng All 4 Love concert niya. Kasama sa conccert sina Erik Santos, Rachelle Ann Go at Christian Bautista sa AranetaColiseum on February 13.

Pumasok din ba sa isip niya yung nasabing hula? Na baka mas maaga siyang malaos?

“Oo naman po. Everyday, talagang naiisip ko ‘yan. Actually,hindi ko iniisip na sikat ako. Sana huwag naman, kasi marami pa akongpangarap para sa pamilya ko, para sa sarili ko, so, sana huwag naman po’ngmangyari ‘yan," ang sagot ng young actress-singer.

Dugtong pa niya, “Uy, nakakatakot naman ’yan.”

Kasunod nghula ni Madam Auring ang intrigang natabunan na raw si Sarah ng dating grandfinalist sa Little Big Superstar na si Charice Pempengco.

Aniya, “Alam ninyo po si Charice, talagang ina-idolize ko siya.Nung malaman ko ang balita, nagulat po talaga ako. Mas na-inspire po ako.Talagang inspiration si Charice. Pero kita ninyo ang nangyari sa kanya,hindi man siya nanalo sa Little Big Superstar pero yun pala ang plano sakanya ng Diyos.”

Nararamdaman ba niya na threat sa kanyang career si Charice?

“Sobrang proud po ako kay Charice. Mas na-inspire po ako sakanya. Wala pong ganun na nate-threaten. Mas na-inspire ako sa kanya.Napanood ko yung Ellen [DeGeneres Show], talagangnakakapanindig-balahibo, lalo [noong] nag-standing ovation sa kanya ang mga Amerikano,” ang nakangiting sabi ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa reaksyon ni Sarah sa hula ni Madam Auring sa kanya,halatang hindi pa handa ang pop star na dumating ang panahong hindi na siyatangkilikin ng publiko.

“Naku, sana huwag po naman muna. Kasi nga po, hindi pa akoready. Pero kung anuman ang mangyari, kailangan ko po yung tanggapin.”

May naisip na ba siyang alternatibo, just in case magkatotoo ang hula?

“S'yempre mag-aaral po ako ng mabuti at ang pagkanta, hindi kopa ‘yan maiiwanan. Mahal na mahal ko ang pagkanta,” ang mabilis na sagot ni Sarah.

Nakaapekto raw ng malaki sa kasikatan ni Sarah ang madalasna pag-alis niya ng bansa. “ Uhm, siguro ano po, siguro po.”

Napabalita rin na aalis na si Sarah sa ABS-CBN, totoo ba?

Sagot niya, “Ay, hindi po totoo yun. Siyempre, nakakahiya po, kasi talagangABS, binigyan ako ng malaking break. Pinagkatiwalaan nila ako, so, nakakahiyapo na ganun ang gawin ko."

Ang Viva bigwig na si Vic del Rosario ang manager ni Sarah, hindi ang anak nito na si Veronique del Rosario na siyang namamahala ng VivaArtist Agency. Five years pa ang natitira sa 10-year contract ni Sarahwith Viva. Umugong ang tsismis na ililipat na diumano ni Veronique ang talentsnila from ABS-CBN to GMA-7.

Kahit hindi nais umalis ni Sarah sa ABS-CBN at ang managernaman niya ang magdesisyon, may magagawa kaya ang Popstar?

“Tingin ninyo po ba, dapat may say ako?” balik-tanong niya.

Tututol ba siya kapag inilipat siya?

“Hindi ko po alam, e. Pinagpapawisan na ako,” nakangitingsagot ni Sarah. "Hindi ko po alam pero sana huwag naman dumating sa point naganun kasi napakaganda naman pong mag-build up ng artista ng ABS-CBN. So,malayo naman po mangyari ang ganun.”

Bukod sa malaking Valentine concert nila nina Erik, Rachelleat Christian sa Big Dome onFebruary 13, produced byASAP Live at Viva, wala pang alam si Sarah kung ano ang susunod na projectniya sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala po muna. Hindi naman sa ayaw ko. Siguro pahinga pomuna at saka tamang konspeto, bagong istorya. Siguro...sana po matuloy yungmovie [with John Lloyd Cruz]. Talagang sinisiguro po nila para hindi nakakatakot. Hopefully, mag-start na kami ng shooting. Sana ngayongFebruary. Co-production po ng Star Cinema at Viva Films,” pagtatapos ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN