Sunshine Cruz stands firm on decision to live separately from hubby Cesar Montano

Cesar Montano is reportedly trying to woo Sunshine Cruz back, but the actress is still firm about living separately.



Pagkatapos pumutok ang balitang paghihiwalay ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz bago matapos ang 2007, sa pagsalubong ng 2008 ay lumabas naman ang balitang sinusuyong muli ni Cesar si Sunshine pagkatapos itanggi ng aktor na hiwalay na sila. In fact, Cesar is now working double-time to woo Sunshine back .

Sa isang panayam sa manager ni Sunshine na si Alfie Lorenzo, sinabi nitong: "Nagte-text lang [si Cesar]. Yung tine-text niya, binabasa ko naman since finorward sa akin ni Sunshine. E, nanunuyo naman si Cesar. Sabi ko na give him another break. I'm hoping na magkakabati sila alang-alang sa mga bata."

Pero ayon sa impormasyong nakalap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ay nananatiling matigas si Sunshine sa kanyang desisyon na huwag munang bumalik sa tahanan nila ni Cesar sa Quezon City matapos lisanin ito ng aktres at ng kanilang mga anak noong mismong araw ng Pasko, December 25.

Isang hakbang daw na ginawa ni Cesar bilang panunuyong muli kay Sunshine ay umupa siya ng isang condo unit sa Goldland sa may bandang Greenhills para sa kanyang asawa't mga anak. Magkasama rin daw na namili ng furniture para sa condo sina Cesar at Sunshine sa Ansons, Ortigas Center.

Ayon pa sa balita, nagdadalawang-isip pa rin daw si Sunhine dahil hurt pa rin daw ang aktres at ayaw pa ring masuyo. Napag-alaman din namin na ang ina mismo ni Sunshine na si Mrs. Alma Cruz ang ayaw nang bumalik ang anak kay Cesar dahil sa diumano sa pambababae ng aktor.

Matatandaang ang itinuturong dahilan ng paghihiwalay nina Cesar at Sunshine noong Kapaskuhan ay ang Brazilian commercial model na si Mariana del Rio. Pero mariing pinabulaanan ni Cesar na may namamagitan sa kanila ng 16-year-old model, liban sa professional level.

May mga report na malapit nang bumalik sa bansa si Mariana dahil may mga commitment daw ang Brazilian model sa Star Magic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN